Isa ang Lancelot sa pinaka-versatile na assasins ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang. Gamit na gamit ng mga players ang abilidad nitong maglabas-pasok sa team fights, mang-juke ng enemy skills at pumunit ng heroes kahit pa ang pinakamakukunat na tanks lalo na kung may tamang items.

Patuloy itong bumibida partikular na sa MPL Philippines kung saan pinipili pa nga ito ng first phase kung bukas sa draft. Ilan sa mga bantog na teams sa MPL na kumukuha sa hero ay ang ECHO na ipinapahawak nila sa kanilang star jungler na si KarlTzy, RSG Philippines para naman kay Demonkite at ONIC Philippines para kay Kairi.

Kaya naman hindi na partikular ang mga teams at players ngayon sa mga paraan kung paano pipigilan ang madulas na assassin. At kung susuriing maigi ang drafts na itinatapat sa hero ay may mapapansin na counter heroes na kasama sa lineup.

Heto ang 3 heroes na maaaring i-pick bilang pangontra sa Lancelot.


3 best picks pangontra sa Lancelot

3. Silvanna

Credit: Moonton

Una sa listahan ng mga hero picks pangontra sa Lancelot ang Silvanna. Malaki ang epekto ng disable abilities at kunat ng Imperial Knightess, kaya naman magandang opsyon ito para mapigilan ang dulas ng assassin hero.

Partikular ang ultimate niya na Imperial Justice sa mga skills na maaaring pumutol sa mobility ng Lancelot, kahit pa subukan ng player na gumamit ng Phantom Execution o Puncture. Kung magagamit ng tama ang kit ng Silvanna ay malaki ang tiyansang masugpo ang kalabang damage dealer.

Bukod sa kakayahan niyang makulong ang assassin, may angkin ding damage ang fighter kaya naman hindi malabong kahit 1v1 situation ay kaya nitong mapunit ang Perfumed Knight.


2. Ruby

Credit: Moonton

Hindi man paborito ang Ruby bilang pangontra sa Lancelot ay mataas ang tiyansang masira niya ang galawan ng kalabang assassin. Isa sa mga hard control heroes ang fighter kaya kung magagamit ng mahusay ang kaniyang skillset ay may kakayahan itong putulin ang momentum ng enemy hero.

Ang mga skills ng Ruby na Don’t Run, Wolf King! at I’m Offended! ay perpektong tools para makalapit sa Lancelot. Kinakailangan lamang ng magandang timing para mapatama ang skills gayundin ang awareness sa cooldowns ng Puncture at Thorn Rows ng kalabang assassin para matagumpay itong ma-hold.

Katapat ng magaling na Ruby player, hirap ang Lancelot na makagawa sa team fights dahil siguradong nakatuon ang pansin ng fighter sa paghawak sa kaniya. Kung mapuputol ng Ruby player ang dashes ng jungler hero ay siguradong malalapnos ito mula sa focus fire ng kakamping damage dealers, kaya rin isa sa mga opsyon ang hero bilang pangontra sa Lancelot.


3. Chou

Credit: Moonton

Sa usaping heroes pangontra sa Lancelot, walang mas popular pa sa Chou. Kung versatile assassin ang Perfumed Knight, versatile fighter naman ang Kung-Fu Boy. Sa totoo lang, kaya ng isang magaling na Chou player na sumabay sa kahit sinong hero sa Land of Dawn. Kahit pa sa madulas na assassin tulad ng Lance.

Madaling bwisitin ng marunong na Chou ang Lancelot gamit ang kaniyang low cooldown skills. Kapag napatama ang Jeet Kune Do at Way of The Dragon combo ng fighter ay magiging paralisado ang galaw ng assassin. 

Bukod sa pick off ability ng Chou, kaya rin nitong iwasan ang mga atake ng Perfumed Knight gamit ang Jeet Kune Do at Shunpo combo. Sa ganoong paraan, mapipilitang mag-back ang assassin dahil sa cooldown ang kaniyang mga skills. Kung hindi ay mapupuwersa siya na makipagbakbakan ng 1v1 kontra sa low CD times ng fighter.

Sino pa ang mga heroes na pangontra sa Lancelot? I-komento ito sa post ng ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Nagbabalik ang Diggie sa meta matapos ang buffs na ibinigay sa kaniya sa MLBB patch 1.6.58