Isa sa pinakamalakas na early game heroes sa Mobile Legends ang assassin hero na si Natalia. Bilang isa sa limang heroes na may kakayahang maging invisible, swabe ang kaniyang kit para ma-burst down ang squishy heroes lalo na kung wala itong mobility.

Totoo. Masakit sa ulo na kalaban ang hero lalo na kung marunong ang gumagamit ng combo nito kapag naka-activate ang kaniyang ultimate na, The Hunt. Ngunit gaya ng lahat ng heroes sa Land of Dawn, may heroes na epektibong pangontra sa Natalia.

Mabisa ang counter heroes na ito dahil inilababas nila ang kahinaan ng sikat na karakter. At sa mga pagkakataong nagamit na ng assassin ang kaniyang skills ay malaki ang tiyansang bigo siyang makalabas ng buhay.

Heto ang top 3 picks na pangontra sa Natalia.


3 mabisang picks na pangontra sa Natalia

Hylos

Credit: Moonton

Ang kit ng Hylos ay bangungot para sa Natalia users. Ang single-target stun niya kasi ay maaaring makapurnada sa combo ng Bright Claw, habang ang second skill naman niyang Ring of Punishment ay pwerhisyo dahil constant damage per second ang kayang ibigay na ito.

Malaking bahagi rin kung bakit pangontra sa Natalia ang Hylos ay dahil na-cacancel ng second skill niya ang kaniyang invisibility passive na Assassin Instinct.

Sa pagkakataon naman na gagamit ang Natalia ng ultimate, kaya ng Hylos na mabilis na maka-reposition dahil sa Glorious Pathway skill nito na may dalang movement speed buff hindi lamang sa tank hero kundi sa kaniyang mga kakampi. Katuwang ng adisyunal na movement speed, slow effect naman ang kayang ibigay nito sa Natalia, na matatandaang epektibo dahil sa kaniyang mobility.

Tipikal na ginagawa ng Hylos users kapag may Natalia ay didikit ang tank sa pinakamalambot nitong kakampi para maiwasan na ma-burst down ito ng assassin. Binubuuan din ng maagang Antique Cuirass ang tank o di kaya naman ay Blade Armor kung naka-abante ng kaunti sa economy ang Natalia.


Rafaela

Credit: Moonton

Isa sa pinakapopular na pangontra kay Natalia ang Rafaela. Bagamat malambot na hero lalo na early game, kontrapelo kasi ang kaniyang Light of Retribution skill sa assassin dahil bisto ang posisyon ng Natalia kapag tumama ito.

Hindi rin makaka-invisible ang hero kapag nabuking ng skill ni Rafaela, at sa mga pagkakataong ipipilit ng Natalia user ang pagpasok, magandang crowd control ang Holy Baptism skill ng support para makapulas.

Kaya naman, mapapansin na laging nakadikit ang Rafaela users sa jungler o di kaya ay sa marksman ng kaniyang team para maiwasang mapugo ito ng assassin. Maganda rin ang paggamit ng Sprint para makawala sa combo ng Natalia.


Popol and Kupa

Credit: Moonton

Bukod sa Hylos at Rafaela, mabisa ring pangontra sa Natalia ang Popol and Kupa dahil sa traps na kayang ilapag ng hero. Epektibo ito para ma-ispotan kaagad ang assassin sa bushes at para makapulas ng maaga sa early ganks.

Sa pagkakataong nakalusot ang assassin sa traps ay maaari ding gamitin ng Popol and Kupa ang Help! Para ma-knock airborne ang Bright Claw kung makakalapit ito. Swabe rin ang Bite ‘em, Kupa! Skill niya para mapuruhan ang squishy assassin at makaselyo ng kill. 

Sapat na ang Blade of Despair at Berserker’s Fury para mapunit ang assassin hanggang makatawid ng late game. Mainam din na bumili ng Wind of Nature o kaya naman ay Immortality para sa karagdagang survivability. Importante ang items na ito bilang pangontra sa Natalia na maaaring makapasok sa backlines.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang guides sa Mobile Legends.

BASAHIN: Buffed Natalia sa MLBB patch 1.7.08 nakakatakot sa jungle