Mataas ang pick rate ni Natalia sa unang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 10 (MPL PH Season 10). Ang Bright Claw ay na-pick nang apat na bese kung saan lahat nang games na ‘yun ay nagresulta sa panalo.
Maging ang Blacklist International player na si Danerie James “Wise” Del Rosario, na mas gusto ang mga marksman at tank heroes bilang jungler kaysa mga assassins, ay nag-lock kay Natalia sa ikatlong game laban sa Nexplay EVOS, na nagtapos sa isang nakakabilib na 4/1/7 KDA.
Sa patch 1.7.08, napansin ng mga developers na sumisikat sa roaming position ang assassin hero at ginusto nilang makita ang mga players na gamitin siya sa jungler position.
Mga adjustment kay Natalia sa MLBB patch 1.7.08
Passive Assassin Instinct
- Mas pinalakas na damage sa Basic Attack na dating 250 + 120% Physical Attack ngayon ay 200 +130% Physical Attack na
Skill 1 – Claw Dash
- Base Damage nabawasan mula 210-285 ngayon ay 185-260 na lang
- Bagong Effect: Ang Skill 1 ni Natalia ay nagkakaroon ng damage bonus mula sa kanyang Passive kapag umaatake ng creeps
Ultimate – The Hunt
- Extra Physical Attack nabawasan mula 20-50 ngayon ay 15-35 na lang
- Bagong Effect: Si Natalia ay nag-iimbak ng hanggang 2 skill charges; ang charging time ay nabawasan nang 100% sa kanyang hero kills at 50% sa creep kills

Ang dahilan kung bakit magandang pick bilang jungler si Natalia ay ang bagong effect ng kanyang ultimate na The Hunt. Nakakapag-imbak na siya ng hanggang dalawang charges, at malaki ang nababawas sa charging time kapag nakapatay ng hero o creep.
Nakatanggap din ng bagong effect ang Claw Dash na nagbibigay ng extra damage sa tuwing umaatake siya ng creeps.
Tuluyang binago ng patch na ito ang kanyang play style. Sa nakaraang patch, ang The Hunt ay maaari lamang gamitin sa mga kalabang heroes sa isang fixed na cooldown, ngunit ngayon ay pwede na rin itong gamitin sa mga jungle camps. Sa bagong effect ng skill ay mas mabilis na rin ang charging time nito.
Matagal siyang ginamit bilang roamer, kung kaya’t naging mahirap na makakuha ng maagang lead sa gold at EXP. At dahil ginawa na siyang viable ng mga developers para sa jungler position, may malaking tsansang makikita na natin si Natalia na nangunguna sa scoreboard sa early game.
Ang tanging downside lang dito ay ang pinababang base damage sa lahat nang kanyang offensive skills, na mararamdaman sa early game kapag wala pa siyang mga core items. Gayunpaman, ramdam din ang sakit ng reworked Natalia sa kasalukuyang meta, kaya’t asahan nating mas maraming players ang susubok na gamitin siya sa mga ranked games.
Ang buong Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.08 patch notes ay makikita dito.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.