Sa mundo ng Mobile Legends: Bang Bang, tipikal na main damage dealers ang mga assassins. Sa likod nito ay karaniwang malalambot ang mga kabilang sa hero classification na ito, kaya naman para maiwasan na maagang mapitas ay ugali na ng mga assassin players na maghintay ng tamang oportunidad na pumasok sa mga teamfights.

Gayunpaman, may Mobile Legends assassins na mas epektibo kung ginagamit bilang initiator. Mababa pa rin ang health nila kumpara sa mga tanks na kalimitan ay ang mga heroes na nagsisimula ng team fights.

High risk, high reward. Ito ang lima sa Mobile Legends assassins na nagniningning sa aspetong ito.


5 Mobile Legends assassins na magandang gawing initiator ng team fights sa Land of Dawn

Lancelot

Credit: Moonton

Hindi na nakakagulat kung sasabihin namin na nangunguna sa listahan ng best Mobile Legends assassins ang Lancelot.

Malaking bahagi kung bakit isa ang hero sa paboritong pick sa parehong casual at competitive play ay ang kaniyang first skill na Puncture na OP kung magagamit ng maigi. Kapag ginamit ang skill na ito, aabante ang hero papunta sa isang area at kung makakadaan sa enemy units ay mag-iiwan ang Lancelot ng sword mark.

Patuloy na magre-refresh ang cooldown nito hanggang natatamaan ang kalaban ng marka. Hindi matatawaran ang abilidad na bumuhat ng magaling na Lancelot player dahil kaya nitong maglabas-pasok gamit ang kaniyang first kill, iwasan ang damage output ng kalaban gamit ang Thorned Rose at magpakawal ng matinding damage gamit ang Phantom Execution.


Fanny

Credit: Moonton

Bagamat isa sa pinakamahirap na makabisado sa mga Mobile Legend assassins, walang kasing-bangis ang experienced Fanny players.

Kaya ng Fanny na mabilis na maglabas-pasok sa mga team fights gamit ang kaniyang second skill na Stell Cable. Bukod sa mobility ng hero, matindi ding damage ang kaya niyang ilabas gamit naman ang kaniyang first skill na Tornado Strike.

Mahirap ang buhay ng sinumang madadalaw ng Fanny (jungle man o laner) dahil kaya niyang i-burst down ang kalaban ng walang kahirap-hirap gamit ang kaniyang ultimate na Cut Throat.


Hanzo

Credit: Moonton

Hindi man popular na pick ang hero sa current meta, hindi matatawaran ang epekto ng Hanzo sa pagsisimula ng mga team fights.

Namumukod-tangi ang Mobile Legends assassin gawa ng kaniyang ultimate na Kinjutsu: Pinnacle Ninja. Dahil sa abilidad na ito, nagagawa niyang magpkawala ng isang demon version ng kaniyang sarili na maaaring magpakawala ng sandamakmak na damage sa mga nagkukumpulang kalaban.

Iba ang set of skills na mayroon ang demon version ng hero na kayang magpa-aray kahit sa pinakamakunat na kalaban. Bukod dito, hindi ikamamatay ng orihinal na Hanzo kung mapupuksa man ang kaniyang demon image, bagamat makatatanggap siya ng stun sa maiksing duration.


Helcurt

Credit: Moonton

Kung nais mo ng Mobile Legends assassin na literal na maghahasik ng lagim sa mga kalaban, Helcurt ang pillin mo. Swabe ang ultimate niya na Dark Night Falls na babawasan ang vision ng lahat ng kalabang heroes sa loob ng 3.5 seconds, kahit nasaan man sila sa mapa.

Sa puntong iyon nakakaamoy ng dugo ang hero gawa ng kombinasyon ng kaniyang liksi at skill na Deadly Stinger.

Ito rin ang perpektong oras para subukan ang hero dahil malaki ang buffs na ibinigay sa kaniyan sa gumulong na patch 1.6.50. Sa nasabing patch, mas pinalakas ang mga damage skills ng Helcurt kung kata isa siya ngayon sa mga solid picks sa high-level play.


Natalia

Credit: Moonton

Hindi gaya ng ibang Mobile Legends assassins na tipikal na nasa jungle role, roamer ang perpektong role para sa Natalia. May abilidad ang hero na itago ang kaniyang sarili para mambulaga ng mga kalaban at pakawalan ang makating damage na karga niya.

Kaya rin ng hero na makaapekto ng multiple enemies gamit ang kaniyang second skill na Smoke Bomb. Kapag in-activate ito ng Natalia, babagal ang movement speed ng kalabang nakapasok sa blast radius.

Ibang uri ng bwisit ang mararanasan kapag katapat ang mahusay na Natalia player dahil kaya nitong pumasok sa backlines para pitasi ang kalabang carry o di kaya naman ay mga squishy heroes sa kabilang panig.

Pagsasalin ito sa article na lumabas sa ONE Esports Indonesia.

BASAHIN: Bakit ginagamit na ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent ng MPL PH players