Kapansin-pansin ang paggamit ng Jungle Emblem at Demon Slayer talent ng mga jungle players sa kasisimula pa lang na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9.

Bagamat hindi ito ang unang beses ginamit ang naturang emblem sa liga, ‘di maipagkakaila na mas talamak na ito kumpara sa nakagawiang Killing Spree talent mula sa Assassin Emblem.

Sa isang video, kinumpara ng MPL PH analyst na si Caisam “Wolf” Nopueto ang pagkaka-iba ng Jungle Emblem at Assassin para bigyang linaw ang dahilan kung bakit nga ba ginagamit na ito ng MPL PH players.


Ang nagagawa ng Jungle Emblem at Demon Slayer talent sa MLBB

Undefeated sa unang linggo ng MPL PH Season 9 regular season ang TNC Pro Team sa unang linggo ng regular season at malaking dahilan sa kanilang pagkakapanalo ang pagpapakitang-gilas ng kanilang jungler na si Shemaiah Daniel “SDzyz” Chu. Sa apat na mapang nilaro nila, dalawa kontra Smart Omega at dalawa muli kontra Blacklist International, pumasok si SDzyz na kargado ng Jungle Emblem at Demon Slayer talent.

Pinapataas ng Jungle Emblem ang hybrid attack, hybrid lifesteal, movement speed, HP, at attack speed ng mga gumagamit nito. Meron din itong subtalents na nagpapalakas ng damage at damage reduction kontra monsters o creeps.

Bakit ginagamit na ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent ng MPL PH players
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Samantala, ang Demon Slayer na talent naman, na ginagamit ngayon ng MPL PH players, ay nagbibigay ng dagdag 20% damage sa Turtle, Lord, at Turrets, habang nagbibigay ng dagdag 20% damage reduction sa Lord at Turtle.


Jungle Emblem at Demon Slayer talent vs Assassin Emblem at Killing Spree talent

Napatunayan ng video na in-upload ni Wolf na ‘di hamak na mas mabilis makapatay ng creeps ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent kumpara sa Assassin Emblem at Killing Spree talent.

Credit: Wolf Cast
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Bagamat ‘di naka-indicate sa description ng emblem o ng Demon Slayer, tila mas mataas din ang damage na naibibigay ng Retribution kumpara sa Assassin Emblem at Killing Spree talent.

Kung susumahin, ang bentaheng makukuha mula sa pag-gamit ng Jungle Emblem ay hindi lang nagtatapos sa loob ng jungle o kontra creeps. Pwede rin kasi gamiting pang-rotate o pang-secure ng ibang objective ang oras na matitipid sa pagkuha ng buff.

Halimbawa na lang noong game one ng ONIC PH at Blacklist International. Mas maagang natapos ang Fanny ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol na kumuha ng buff kaya’t nakadalaw ‘to agad sa EXP lane, sa tulong na rin ng Steel Cables, para ma-First Blood ang Ruby ni Mark Jayson “ESON” Gerardo.

Bakit ginagamit na ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent ng MPL PH players
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Sa parehong laban na ‘yon, tatlo mula sa limang kabuuang kills ng ONIC PH kontra Blacklist International ay nagmula sa Fanny ni Kairi.

‘Di rin nakatulong ang nerf na natanggap ng Killing Spree noong MLBB Patch 1.6.50, kung saan pinahina ang HP regen at movement speed boost nito, para manatiling relevant sa kasalukuyang meta.

Mas maganda rin para sa mga objective-oriented playstyle ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent dahil sa nasabing bonus kontra Turtle, Lord, at Turrets, ‘di tulad ng Killing Spree na nire-reward ang paghahabol ng kills.

Kung susumahin, ang Jungle Emblem at Demon Slayer talent ay mas lamang sa mga sumusunod na aspeto kumpara sa Assassin Emblem at Killing Spree talent:

  • Damage sa creeps
  • Oras na ginugugol para makakuha ng buff at at maka-clear ng minion wave
  • Damage na natatanggap mula sa creeps
  • Damage ng Retribution

Bukod sa mga ito, ipinirating din ni Wolf na maaaring may iba pang bentahe ang paggamit ng Jungle Emblem at Demon Slayer talent na maaaring maging mas kapansin-pansin sa mga susunod na linggo ng MPL PH Season 9.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.