Bagamat hindi pa nagkakaroon ng tiyansa ipakita ang kaniyang husay sa MDL ID Season 5, inamin ni AE Ahmad na malaking bagay ang pagpunta ng bagong player na si Kidsz sa kanilang tangka depensahan ang kanilang korona.
Karugtong ito ng pagliban ni AE Ahmad sa mga matches ng koponan, na ngayon ay may 3-1 record na sapat para sa second place kasunod lamang ngAura Esports na may 4-1 record naman.
Nauna ng inamin ng pro na hindi dahil sa abilidad niyang makipagsabayan sa mga players ang rason sa likod ng kaniyang mga pagliban. Bagkus, ito raw ay dahil nawala ang kaniyang gigil sa competitive play.
Pagpasok ni AE Kidsz sa lineup ginising ulit si AE Ahmad

Kamakailan ay ipinakilala ng Alter Ego X ang kanilang bagong player na si Kidsz, isang player na kinuha ng koponan mula sa listahan ng free agents. Maglalaro sa jungler position ang bagong miyembro ng koponan.
Bago pa man opisyal na ihayag ito sa mga miron ay nagkaroon ng tiyansa si Ahmad na ibahagi ang kaniyang saloobin sa isang panayam kasama ang MPL at MDL ID analyst na si Moch Ryan “KB: Batistuta. Ani ng Alter Ego X star, malaki raw ang epekto ng bagong player sa kaniyang sigla sa pakikibakbakan sa Mobile Legends.
Sa paglalarawan niya kay AE Kidsz, makikitang masaya at sabik si AE Ahmad na sabayan ang rookie sa susunod na laban ng koponan sa MDL.

“I’m really happy to play with this new kid. I feel alive again playing Mobile Legends. He is very different,” kuwento ni AE Ahmad kay Ryan “KB”.
“Since the beginning of playing with him, I’ve been watched all the time, it’s the first time I came to GH and played together, he kept calling about decision making and what kind of awareness (movement) he had. In addition, if we play and lose, he immediately says something like ‘we should have taken this first, I should have taken this first’ (evaluation),” dagdag pa ng esports star.
Sa ginawang deskripsyon ni Ahmad tungkol sa bagong player, hindi malayong magkaroon din ng tiyansang ma-promote ito bilang player ng Alter Ego sa MPL ID Season 9. Bukod dito, batid niya na malaki ang potential ni Kidsz at sinabi pang kaya nitong higitan si AE Celiboy kung mahuhulma ng tama.
Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Si Nino daw ng Alter Ego ang best goldlaner sa MPL ID sabi ni Aura Kabuki