Lahat ng mga mata ay tumuon sa opening watch sa Week 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Indonesia Season 9 (MPL ID Season 9) kung saan nagtapat ang dalawa sa pinakamainit na koponan ngayon sa Lannd of Dawn na Aura Fire at Rebellion Zion.
Kinikilala ngayon ang Aura Fire bilang isa sa mga pinakamalalakas na teams sa liga dala ng kanilang dominanteng performance mula sa 2021 Esports President’s Cup. At ngayong Season 9, patuloy na umaarangkada ang koponan sa pangunguna ng kanilang gold laner na si Aura Kabuki.
Sa kabilang banda, malaki rin ang ipinakitang pagbabago ng Rebellion Zion. Kung dati ay isa ang team sa mga koponang hindi nakapaglaro sa playoffs noong nakaraang season, umaalingawngaw naman ang mga performances ng koponan na nagdala sa kanila sa rurok ng standings matapos ang Week 2.
Patuloy na nagniningning si Aura Kabuki ngayong Season 9
Matapos pakitaan ang mga miron sa kaniyang Fanny noong nakaraang linggo, ipinagpatuloy ni Aura Kabuki ang kaniyang magnipikong play pagdaong ng Week 3.

Sa unang salpukan kontra Rebellion, isinalang ng gold laner ang kaniyang pamatay na Beatrix para paliguan ng sandamukal na damage ang kalaban. Itinala ng pro ang swabeng 9/3/3 KDA gamit ang marksman, at hinirang na MVP para sa Aura Fire.

Gayundin ang ipinamalas ni Aura Kabuki sa sumunod na game kung saan hawak naman niya ang kaniyang Chou. Gamit ang fighter, naglista ng impresibong 10 kills ang gold laner na pinakamarami ring bilang ng kills sa laro.
Hindi raw siya ang best goldlaner sa ID sabi ni Aura Kabuki

Sinabi ng dating Aura player at ngayon ay team analyst na si Tezet na si Kabuki na nga raw ang pinakamagaling na pro sa gold lane.
Kahit pa ang mala-alamat na V33Wise duo ng Blacklist International ay mataas ang tingin sa Aura gold laner. Gayunpaman, nanatiling mapagkumbaba ang Indonesian player na sinabi na may mas magaling pa sa kaniya maglaro sa gold lane.
“I don’t believe in being called the best gold laner. I think Alter Ego Nino is more deserving of the title,” banggit ni Aura Kabuki.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MPL ID.
BASAHIN: Role-switch nina Aura Kabuki at High sa MPL ID S9 hindi lamang nakasentro sa Fanny pick