Mainit ang Rebellion Zion. Bakas ang pag-improve ng kanilang performance matapos ang ikalawang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 9.

Dahil dito, napatunayan na hindi na nararapat para sa Rebellion Zion na tawaging ‘clown’, gaya ng ibinansag sa kanila ng mga netizen matapos ang tinamasa nilang pagkabigo noong nakaraang season.

Tagumpay ang Rebellion Zion kontra Alter Ego. Walang nag-akala na malalamangan ng koponan nina Jihadi “JiiSaa” Fathan ang kanilang kalaban lalo na’t pinalalakas ito ng mga tanyag na manlalaro gaya nina Eldin “Celiboy” Putra at Muhammad “Udil” Ardiansyah.

Pero salamat sa pagbabalik ni JiiSaa matapos hindi makapaglaro noong unang linggo ng palaro, muling nabuhayan ang Rebellion Zion para madaig ang Alter Ego.

Dagdag rason ang Geek Fam ID kung bakit hindi na deserve ng Rebellion Zion na tawaging ‘Clown’

Naging motivation para sa Rebellion Zion ang kanilang tagumpay kontra Alter Ego kaya’t halos sagasaan na lang ng koponan ang Geek Fam ID nang magharap sila.

Bagamat match lang ang dalawa kung tutuusin, pinatunayan ng Rebellion Zion na ‘di hamak ay mas mahusay na sila kesa sa Geek Fam. Sobrang linis ng kanilang ipinamalas na performance kahit pa may pagka-aggressive ang kanilang galawan.

Bagamat may mga pagkakataon na lumalamang ang Geek Fam ID sa mga bakbakan, hindi pa rin nila magawang tuldukan ang laban. Mas bihasa ang Rebellion Zion ‘pag dating sa pagkuha ng objectives at pag-rotate sa mapa.

Sa ikalawang mapa ng serye, naipamalas naman ng Rebellion Zion ang kanilang versatility gamit ang roam Natalia at Paquito.

Hindi na deserve ng Rebellion Zion na tawaging 'Clown' matapos ang week 2 ng MPL ID Season 9
Credit: Moonton

Walang naisagot ang Geek Fam ID sa Natalia ni Thomas “Vall” Galileo maging sa jungle Paquito ni JiiSaa.

Pagkatapos ng laban, idiniin ni Vall na hindi na deserve ng Rebellion Zion na tawaging ‘clown’.

“Capek disebut badut. Kami banteng bukan badut,” banggit ng roamer.

(Pagod na kami tawaging clown. Bulls kami, hindi clown.)


Hindi pa rin nakakapuntos ang Geek Fam matapos mawalis sa ika-apat na sunod na pagkakataon.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Roam Fanny guide at 2 paraan kung paano ito ginamit sa MPL MY