Roam Fanny? Tama ka ng pagkakabasa. Isa ito sa mga unique pero tricky na strategy na pwedeng gawin sa laban. Hindi kasi pangkaraniwan para sa assassin hero na punan ang role kahit pa sa ranked games.

Pero pag dating sa competitive scene, naghangas si Mohammad Zul “Xorn” Hisham ng Geek Fam MY na subukan sa unang pagkakataon noong Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia Season 8. Hindi ito ang huling beses na lumabas ang Roam Fanny dahil naulit ito kamakailan.

Bumida ang Roam Fanny ni Abd “Yums” Qayyum ng Todak para magtagumpay kontra Geek Fam MY sa gumugulong na MPL MY S9. Ginulat ng nagwaging koponan ang lahat matapos nilang i-first pick ang Fanny, tsaka nag-last pick ng Roger.

Isa na ngayon si Fanny sa mga pinakamalakas na jungler

‘Di hamak na mas napipili na ngayon si Fanny sa MPL S9. Kahit pa sa Indonesia, Malaysia, at maging sa Pilipinas, nagiging priority pick na ang assassin hero. Salamat ito sa mga buff na nakuha niya noong dalawang nakaraang patch.

Roam Fanny guide at 2 paraan kung paano ito ginamit sa MPL MY
Credit: Gamebrott.com

Mas efficient na ang paggamit ng energy kumpara noon. Dahil dito, hindi na matawaran ang kakayahan niyang pumatay sa early hanggang sa mid game.

Paborito ito ngayon nina Ferxiic, Kabuki, Linkezaa, Kairi, at Demonkite, ilang player na nagpapatunay sa lakas ni Fanny sa professional scene. Pero ibang usapan ang Roam Fanny dahil kahit ang mga pro player ay hindi pa masyadong naiintindihan kung paano ito paganahin.


Roam Fanny guide at 2 paraan kung paano ito gamitin

May dalawang paraan kung paano laruin ang Roam Fanny: ang method ni Xorn at ang kay Yums. Magkaiba kasi sila ng paraan kung paano paganahin ang nasabing strategy.

Bago ito subukan sa laro, tiyakin na gamay na gamay niyo na ang paggamit ng Steel Cables ni Fanny.

Roam Fanny ni Xorn

Roam Fanny guide at 2 paraan kung paano ito ginamit sa MPL MY
Credit: Moonton

Noong nakaraang season, ginamit ni Xorn ang nasabing strategy kahit hindi pa ito nakakatanggap ng mga buff. Ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ang pruple buff sa simula ng laban.

Nagsimula nang pumatay si Xorn matapos nito gamit ang normal na item build para sa hero. Patuloy pa rin ang pagkuha niya ng purple buff hanggat sa selyado na ng kanyang koponan ang laro.

https://youtu.be/U_LmQgpNXcM

Maaari pa rin gamitin ang method na ‘to pero siguraduhin lang na makakabawi pa ang jungler dahil kailangan niyang magsakripisyo.

Roam Fanny ni Yums

Roam Fanny guide at 2 paraan kung paano ito ginamit sa MPL MY
Credit: Moonton

Ibang-iba naman ang paraan ng paggamit ni Yums sa Roam Fanny. Hindi ibinigay sa kanya ang purple buff pero nagawa niya pa ring magpaka-aggressive buong laro.

Nakatulong ang matipid na paggamit ni Yums sa energy at mas mabilis na energy restoration para magawa ito. Nakatutok kasi ang playstyle ni Yums sa pagpatay sa mga pulado nang kalaban.

Madalas din mag-recall pauwi si Yums, tsaka na lang siya susulpot sa bakbakan para gulatin ang kalaban. Puro pangpakunat din ang item build ni Yums sa Roam Fanny, pero hindi ito nagkulang sa damage.

https://youtu.be/iwMG06ZkoKg

Hindi ito ganoon kadali gayahin lalo na’t mas sikat sa role ang mga gaya nina Chou, Ruby, at Khufra na maaaring pang-counter kay Fanny. Maaari sigurong makatulong ang pag-draft pa ng ibang hero na malakas ang damage gaya nina Roger, Yve, at Beatrix.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Walang team na nanalo kasama ang Clint sa Week 1 ng MPL ID S9