Isa ang Clint sa pinakapaboritong Mobile Legends heroes na nilalaro sa ranked games pati narin sa pro play. Gayunpaman, hindi naging maganda ang performance ng West Justice sa Week 1 ng MPL ID S9 dahil walang team ang nakapagtagumpay na kasama ang hero sa lineup.
Performance ng Clint sa Week 1 ng MPL ID S9

Magbuhat noong inilabas ang patch 1.6.26 ng Moonton noong Oktubre 2021, naging matunog ang pangalan ng marksman dahil sa adjustment na ibinigay sa kaniyang passive na Double Shot. Mula sa dating 135% Total Physical Attack ay binigyan ito ng 100 + 120% Total Physical Attack damage kaya naman patuloy ang paggamit ng mga players sa hero lalo na sa gold lane.
Hindi kagulat-gulat na noong Week 1 ng MPL ID S9 ay isa ang marksman sa pinakapopular na pick, kung saan anim sa 17 games na nilaro noon ay naselyo ang hero. Ang kataka-taka ay kung bakit wala man lang sa anim na beses ito naisalang ay nanalo ang hero.
Tatlong laro at tatlong beses ito napurnada sa kamay ni Schwann ng Geek Fam sa unang linggo ng MPL ID. Sa kabilang banda, hindi rin naging matagumpay sina Matthew “Matt” Geraldo ng Bigetron Alpha, B1RUL ng Rebellion Zion at Leonardo Prasetyo “Kabuki” Agung ng Aura Fire ng hawakan nila ang Clint sa tig-iisang laro.
Off-meta na ba ang Clint sa MPL ID?

Dahil sa 0% winrate noong Week 1 ng MPL ID S9, maraming fans sa Indonesia ang nagtatanong kung pasok pa ba sa meta ang sikat na marksman hero.
Kung babalikan ang nakaraang linggo, marami na ring sumisikat na hero picks sa gold lane kung saan dati ay naghahari ang marksman. Ilan sa mga ito ay ang Beatrix, Popol and Kupa, Brody at minsan pa nga ay lumalabas ang mage heroes tulad ng Lylia at Cecilion sa nasabing lane.
Gayunpaman, hindi sapat ang numero para bigyan ng kredibilidad ang umaalingawngaw na usapin. Kung may ipinapahiwatig ang mataas na pick rate ng Clint sa Week 1 ng MPL ID S9, ito ay malaki pa rin ang posibilidad ng hero na gumawa in-game, at swabe pa rin ito ipasok sa team compositions.
Mataas ang tiyansang mananatili bilang priority pick ang Clint sa mga susunod na linggo at maasahan na tataas ang win rate nito kapag maayos na mahahawakan ng teams.
Pagsasalin ito ng sulat ni VERDI HENDRAWAN ng ONE Esports ID.
BASAHIN: MPL ID Power Ranking: Aling team ang dapat abangan Season 9?