Hindi maikakaila na ang Fanny ay isa sa mga pinaka-kapanapanabik na heroes sa Mobile Legends: Bang Bang. Kaya naman sa mga pagkakataong lumalabas ito sa pro play, talagang hindi maitatago ang pagkatuwa ng mga fans.
Heto ang mga pagkakataong lumabas ang Fanny sa MPL.
ONIC Esports ng Indonesia ang unang nakapagpanalo gamit ang Fanny sa MPL

Ang ONIC Esports ng Indonesia ang isa sa mga kupununang humawak sa Fanny sa MPL. At hindi binigo ni Gilang “Sanz” ang mga miron sa kaniyang maniobra tinaguriang Blade Dancer.
Sa kanilang banggaan kontra EVOS Legends sa Week 5 ng MPL ID, nagpakitang-gilas si Sanz sa kaniysang Fanny na dinomina ang early game ng laro kung saan nagtala siya ng walong kills sa loob lamang ng sampung minuto.
Bagamat hindi na naging kasing-lakas ang late game ng ONIC Esports jungler, napagtagumpayan nila ang laro na tumagal ng 35 minuto dala ng pananaig sa mga crucial na team fights.
Sa post-game interview, klinaro ni Andriand Larsen “Drian” Wong na “last resort” ang Fanny pick, sa halip ay parte ng kanilang plano para ilabas ang unique hero na ito sa MPL.
“We’ve been training with Fanny and it gave us good results. It just so happened that Sanz was confident to play it too,” banggit ni Drian.
Bagamat naging epektibo para sa kanila, babala ni Drian na hindi angkop na priority pick ang Fanny dahil ito ay gumagana lamang sa mga piling kondisyon.
Dagdag pa niya, “Fanny is only viable for certain picks, it can’t always be picked. Countering her is also easy with heroes such as Kaja and Chou”.
ONIC PH lamang ang nagsalang ng Fanny sa MPL ngayong S8
Sa MPL Philippines Season 8, ONIC Philippines lamang ang nag-iisang kupunan na sinubukang patunayan na maaari itong magtagumpay sa pinakamataas na lebel ng kompetisyon sa mundo ng MLBB.
Una nilang inilabas ang Fanny sa MPL noong Game 2 ng Week 3 matchup nila kontra sa bigating Blacklist International. Bagamat hindi naging matagumpay ang atake nila sa early game, nagpasabik ito sa mga fans na pinanood ang bakbakan ng top 2 teams sa Season 8.

Isinalang nila ulit ang hero sa dulo ng regular season kontra TNC Pro Team ML. Bagamat hindi nasungkit ng team ng panalo, nagpakitang gilas naman si Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa kaniyang Fanny gameplay na dinomina ang early game.

Sa loob ng anim na minuto, nakalista ang prodigy ng ONIC PH ng 3 kills at 2 assists, habang patuloy na nagpakaba sa mga miyembro ng TNC.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga ganitong uri ng istorya.