Sa kanilang bakabakan kontra EVOS Legends at ONIC Esports noong week 1 at week 2 ng MPL Indonesia Season 9, malaking pasabog ang ginawa ng Aura Fire ng pagpalitin ng roles sina Aura Kabuki at High kapag nahahawakan nila ang Fanny pick.

Sa mga nasabing laro, hindi nagmintis si Kabuki na dalhin ang kaniyang koponan sa tagumpay gamit ang kaniyang Fanny.  Bunsod ng tatlong okasyon na binuhat ng pro ang Aura, masasabing ito ang isa sa mga secret weapon ng nagbabagang koponan.

Credit: Moonton

Pagdako naman ng tapatan ng team kontra Bigetron Alpha sa Week 2, hindi binigyan ng pagkakataon na magamit ni pro ang Blade Dancer. Gayunpaman, malaki ang ginampaman ni High para itulak ang kaniyang team papunta sa 2-1 panalo.

Mahihinuha na nangyayari lamang ang role-switch nina Aura Kabuki at High kapag kaagapay ang Fanny. Ngunit ayon sa mga miyembro ng Aura, hindi lamang ang hero na ito ang magtutulak ng nasabing switch.


Hindi lang sa Fanny pick nakasalalay ang role-switch ni Aura Kabuki at High

Credit: MPL ID

Pagkaraan ng bakbakan kontra Bigetron, nagkaroon ng oportunidad makausap ng ONE Esports ang Aura Fire coach na si Reza Pahlevi at si God1va tungkol sa Fanny pick na mistulang nagtutulak sa pagpapalit ng roles ng kanilang jungler at gold laner. 

“Honestly, there are several other heroes, not just Fanny. But of course we can’t reveal what the hero is because it’s a secret, “ani ni Coach Reza sa naturang panayam.

Bukod dito, inilahad din ng utak sa likod ng top team na may apat na heroes na makapagbubunsod ng role-switch ni Aura Kabuki at High. Pero paliwanag niya, “The only thing is it’s not ready yet.”

Kapanapanabik na makita kung ano nga bang heroes ang makapag-uudyok ng hindi mapanis na atake ng Aura. Karugtong nito, siguradong mahihirapan ang sinumang team na kakaharapin nila dahil sa abilidad nilang baguhin ng biglaan ang linya ng draft. 

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Bakit hindi priority ang Kadita ni Aura God1va kontra Bigetron Alpha? Ito ang rason