Nanatiling mainit ang Aura Fire sa Week 2 ng MPL ID Season 9 ng kaharapin nila ang Bigetron noong Day 2. Naiselyo man ang 2-1 panalo kontra sa bigating katapat, kapansin-pansin na hindi na masyadong binigyang-pansin ng Aura ang signature pick na Kadita ni Aura God1va na makalawang-ulit na nabuksan sa drafting phase ng serye.

Sa bakbakang ito, nagawang nakawin ng Bigetron ang isang panalo gamit ang 100% win rate Johnson ni Renbo katuwang ang Kadita ni KYY. Magilas ang maneho ni Renbo sa kaniyang tank hero na sumulpot sa mga lanes para pahirapan ang Aura papunta sa Game 1 panalo.

Matapos ang Bigetron win, napagdesisyunan ng Aura Fire na i-deny ang Johnson sa dalawang magkasunod na laro. Kapuna-puna na hindi gumanti ang Bigetron sa Kadita ban para i-deny ang signature hero ni Aura God1va.

Nanatiling bukas sa draft ang mage hero ngunit hindi ito nakakita ng aksyon. Sa halip ay Floryn at Khufra ang isinalang ng support ng Aura para ibaling ang momentum sa kanilang panig at kuhanin ang 2-1 score.

Malaking palaisipan ito dahil madalas na priority ang pick na ito para sa Aura Fire kaya naman panay ang tanong ng mga miron: ano bang dahilan kung bakit hindi inilabas ang Kadita ni Aura God1va sa laban? 


Aura God1va inaming hindi na swabe ang hero sa kanilang atake

Credit: MPL ID

Pagkatpos ng laban, kinapanayam ng ONE Esports si God1va at si Coach Reza Pahlevi tungkol sa desisyong hindi kuhanin ang Kadita sa huling dalawang laro ng serye kontra Bigetron Alpha.

Iniliahad ni God1va na hindi na raw opsyon ang hero para sa kaniya ngayon sa kadahilanang hindi raw maganda ang resulta na nakukuha ng team sa training at scrims kasama ang hero.

“Honestly, in my opinion, Kadita is currently not good enough, so I don’t want to pick. Besides that, because in the scrim we played Kadita and kept losing,” banggit ni Aura God1va.

Dagdag pa niya, “We only based it in the training. Because in practice, we can’t win using Kadita, so we don’t want to force ourselves. We will only choose heroes that will make the team strong.” 

Kataka-taka ito para sa marami dahil na-buff ang hero sa huling patch noong  Nobyembre ng nakaraang taon at wala pang nakukuhang pagbabago kahit pa noong pinakahuling update noong Perbrero.

Sa madaling salita, maaaring nakuha na ng ibang mga koponan ang rekados para harapin ang mala-alamat na Kadita ni Aura God1va.

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: EVOS Legends REKT inaming kailangan pang gabayan si Cr1te sa kanilang kampanya sa MPL ID S9