Isa si Ahmad Maungzy sa mga bantog at beteranong players sa pro eksena ng Mobile Legends. Hindi maitatanggi ang abilidad ng esports athlete na matagal ng kumakamada para sa Alter Ego. Malapit ang kaniyang estado sa Indonesia kay CJ “Ribo” Ribo ng Bren Esports sa MPL Philippines, na tinitingala ng marami dahil sa kaniyang napatunayan sa mundo ng MLBB.
Magmula pa noong MPL Indonesia Season 3 hanggang Season 7 ay parte ng main lineup ang pro player, angkop lamang sa dekalibreng play na palagi niyang isinasalang para sa koponan. Gayunpaman, maraming nagulat ng gumulong ang Season 8 at napansin ng mga miron na may mga pagkakataon ng iniikot sa rotation ang star.

At pagdako ng MPL ID Season 9, tuluyan na ngang inalis si Ahmad sa main roster at ibinaba sa Mobile Legends: Bang Bang Developmental League Indonesia (MDL ID) kasama ang isa pang beterano na si LeoMurphy. Hanggang ngayon ay hindi pa nililinaw ang koponan ang rason sa likod ng malaking move.
Bukod dito, mailap pa rin sa beterano ang inaasam na MPL ID tropeyo, gayundin ang inaasahang international recognition ng matamaan ng CoVid-19 noong gumulong ang M2 World Championship sa Singapore.
Patuloy si Ahmad Maungzy sa kaniyang biyahe pabalik ng highest level ng pro play
Dala ng balitang paglahok ni Amhad Maungzy sa MDL, maraming haka-haka na nabuo ang mga fans hinggil dito. Matunog ang rason na hindi na kasing-lakas ang pro player tulad ng dati kung kaya’t hirap na siya makipagtapatan sa MPL. Tantiya din ng mga miron na sinadyang hindi paglaruin ang esports atleta dulot ng internal issues sa mga opisyal ng MPL.

Sa kabila ng mga ito, patuloy si Ahmad Maungzy sa kaniyang biyahe pabalik sa pinakamataas na lebel ng pro play. Kailan lamang ay inilahad ni Ahmad na nabuhay ang kaniyang competitive spirit ng pagtambalin sila ni AE Kidsz, isang batang player na inaasahang magiging susunod na superstar. Kaya naman, madaming fans ang umaasa na ito na ang magiging simula ng pag-angat muli ni Ahmad.
Nakatutok si Ahmad Maungzy sa paglalaro sa M4
Bagamat naglalaro sa MDL ngayong season, inamin ni Ahmad Maungzy sa kaniyang stream na ang makapaglaro sa M4 ang kaniyang tatangkain. Iyon ay kung maisasalang siya muli sa MPL ID Season 10.
Kumpiyansa ang pro na nangako pa ngang matutupad ang kaniyang M4 representation, para sa Alter Ego man o hindi. “My M4 will come in guys. I have to pursue a dream and will play on the M4. On any team, I will play on M4. You can hold my word from now on,” ani ng MPL veteran.
Sa mga komento ni Ahmad Maungzy, ipinapakita lamang niya na bukod sa M4 ay nakatutok din siyang maglaro sa Season 10 ng MPL ID. Kung hindi man mangyayari kasama ang Alter Ego, posibilidad na ngayon ang paglipat niya sa ibang MPL team kasabay ng inaasahang pag-init muli ng kaniyang makinarya.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Nabuhay muli ang gigil ni AE Ahmad sa pagdating ni AE Kidsz sa Alter Ego X