Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Malaki ang ginagampanan ng EXP lane heroes pagdating sa pagkontrol ng daloy ng mga team fight at pagkuha ng mga objective sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kadalasan kasi ang mga hero na ito ang may malaking AoE (area-of-effect) crowd control o ‘di kaya naman may malakas na sustain upang prumonta at tumangke ng damage mula sa mga kalaban, dahilan para ligtas na makapagbitaw ng skills ang mid at gold laner ng koponan.

Credit: ONE Esports
MLBB 101: Ang EXP laner role, mga dapat gawin, at mga hero na swak dito

Minsan, trabaho rin nila ang balansehin ang minion waves dahil sila ang may hybird na atake at depensa. Inaatasan silang mag-split push sa mga pagkakataong dehado ang koponan, o kaya naman dumepensa kapag nag-i-split push ang kalaban.

Sa komprehensibong ONE Esports guide na ito, ibahahagi namin sa inyo ang ilan sa malalakas na EXP lane heroes para mabilis na makapagpa-rank, kasama na ang ilang stratehiya at item build sa kanila.

Akyatin ang Mythic gamit ang 3 EXP lane heroes na ‘to sa MLBB

X.Borg

X.Borg Moto Drifter skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Una sa listahan ang naglalagablab na hero na si X.Borg.

Swak si X.Borg sa EXP lane dahil mabilis siyang nakakapag-clear ng minion waves gamit ang kanyang AoE abilities na Fire Missiles at Fire Stake. Dulot nito, mabilis niyang makukuha ang ultimate niya na Last Insanity, isa pang malaking AoE skill na nagbibitaw ng burst true damage damage at may taglay na slow effect.

Dagdag pa riyan, solido rin ang sustain ni X.Borg dahil sa kanyang passive na Firaga Armor.

Pagdating sa build, sulit ang mga item na War Axe at Ice Queen Wand upang lalong mapalakas ang potensyal ng AoE skills niya. Para naman mapataas ang iyong survivability, huwag kalimutang bumili ng Immortality.

War Axe para kay X.Borg sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends

Sa laning phase, laging gamitin ang Fire Stake-Fire Missiles combo upang i-poke ang kalaban at mabilis na maubos ang minions.

Sa mga clash naman, siguraduhing puno ang iyong Firaga Armor upang tangkehin ang damage mula sa mga kalaban at mapanatiling ligtas ang inyong damage dealers, lalo na ang marksman.

Ruby

Mobile Legends: Bang Bang Pirate Parrot Ruby
Credit: Moonton Games

Hindi rin papahuli si Ruby pagdating sa crowd control at sustain, dahilan para mapasama siya sa listahan ng epektibong EXP lane heroes.

Malakas makapanggulo sa lane at team fights ang Little Red Hood gawa ng kanyang first skill na Be Good, na may slow effect, at second skill na Don’t Run, Wolf King, na may pull at stun naman.

Ang kanyang ultimate na I’m Offended ang isa sa mga game-changing Flicker-ultimate combo sa Land of Dawn dahil sa abilidad nito na manghila ng maraming kalabang hero.

Mobile Legends: Bang Bang battle spell flicker and ultimate logos
Credit: ONE Esports
5 pinakamatinding Flicker ultimate combos na pwedeng gawin sa Mobile Legends

Mahirap din mapaalis ang isang Ruby sa lane dahil sa kanyang Let’s Dance passive, na nagbibigay sa kanya ng karagdagang spell vamp maging physical at magic defense.

Gaya kay X.Borg, sakto rin ang War Axe para kay Ruby. Mabisa rin ang Endless Battle at Bloodlust Axe sa kanya dahil sa nabibigay nitong lifesteal at cooldown reduction.

Pagkatapos kumuha ng attack items, siguraduhing mamuhunan sa defense items gaya ng Oracle at Athena’s Shield upang makapagpronta ng maayos sa mga clash, kung saan aasahan ka na kontrolin ang jungler o sinumang damage dealer ng kalabang koponan.

Yu Zhong

Mobile Legends: Bang Bang Exorcist Yu Zhong wallpaper
Credit: Moonton Games

Isa pa sa mga mabangis na EXP lane heroes si Yu Zhong. Taglay niya ang lahat ng abilidad na pwede mong hilingin mula sa isang EXP laner.

Malakas makasira ng diskarte sa mga clash ang kanyang gap-closer at crowd control skills na Furious Drive at Black Dragon Form, na isa sa mga pinakamalupit na initiation ability sa MLBB.

Kaya niya rin makapagpakawala ng malaking damage gamit ang kanyang Dragon Tail at Soul Grip, habang magkahalong lifesteal at damage naman ang nabibigay sa kanyang Cursing Touch passive.

Kung nais mong maging mahusay na Yu Zhong user, kailangan mong aralin ang kanyang mga combo, na kinabibilangan ng Petrify battle spell.

MLBB Cosmic Dragon Yu Zhong
Credit: Moonton Games
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos

Dapat ay alam mo rin kung kailan mo gagamitin ang Black Dragon Form sapagkat mayroon itong mahabang cooldown. Epektibo ang ulti na ito sa pag-zone out ng mga kalaban habang kumukuha ng objective o nagpu-push ng iyong mga kakampi.

Pwede mo ring gamitin ang Black Dragon Form sa paghabol at pagpuksa ng kalabang gold laner, o kung sinuman sa kanilang ang pangunahing damage dealer.

Pagdating sa mga item, magkahalong opensa at depensa ang kailangan mong buuin, kagaya ng Hunter Strike, War Axe, Oracle, at Dominance Ice.

Bukod sa tatlong heroes na nasa itaas, ilan pa sa mga mabisang EXP laner heroes ang mga sumusunod:

Tatlong best items para kay Cici sa Mobile Legends: Bang Bang
Credit: ONE Esports

BASAHIN: Dogie ibinunyag kung sino ang kaniyang esports idol – at hindi siya Mobile Legends player