Ang labanan si Sun sa Mobile Legends: Bang Bang ay hindi basta-basta, lalo na pag napapaligiran ka na ng mga Sun clones.

Bukod sa kanyang kahindik-hindik na damage mula sa kanyang basic attack, ang Sun clones ng Monkey King ay isa pang bagay na dapat ikabahala ng kanyang mga kalaban. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga manlalaro na matuto kung paano makahanap ng tunay na Sun sa MLBB.

Ang kakayahan ni Sun na kopyahin ang kanyang sarili ang sentro ng kanyang skill set. Ito ay nagpapalakas ng kanyang damage output, at kasabay nito, lituhin ang mga kalaban. Ang mga clones na ito ay nagiging decoy na nagsisilbing target ng mga atake ng kalaban, na gumugulo sa mga manlalaro, lalo na ang mga baguhan, na mag-focus ng kanilang opensa sa fighter hero.

Huwag nang mag-alala! Ang ONE Esports guide na ito ang magtuturo sa iyo kung paano hanapin ang tunay na Sun mula sa mga Sun clones.

Paano hanapin ang tunay na kalaban sa mga Sun clones sa Mobile Legends gamit ang Hero Lock Mode

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Halos imposible na makahanap ng tunay na Sun sa gitna ng kanyang mga Doppelgangers. Ngunit ang hindi alam ng ibang mga manlalaro ay maaari mong matukoy ang tunay na Sun gamit ang Hero Lock Mode.

Ang paggamit ng feature na Hero Lock Mode ay hindi lamang magbibigay daan sa iyo na mag-focus ng iyong basic attacks at mga skill sa Monkey King, kundi literal na ituturo ang kanyang lokasyon sa gitna ng mga Sun clones.

Paano mahanap ang tunay na Sun mula sa mga Sun clones
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Kapag si Sun ay nasa loob ng attack perimeter ng iyong hero, ang kanyang portrait ay mag-aappear sa itaas ng mga skill buttons. I-tap ito at ang cursor ay magtuturo kung saan naroroon ang tunay na Sun kahit na may mga kopya siyang ginawa. Ito rin ay magla-lock ng lahat nang iyong mga atake at skill patungo sa kalaban na unggoy.

IBA PANG MLBB GUIDES
RG Guide: Paano gamitin ang Mid Lane Pharsa, items, skills, etc
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
Heto ang tips ni M4 world champion ECHO SanFord para sa EXP laners
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!

Paano buksan ang Hero Lock Mode

I-tap ang gear icon sa upper right corner ng home screen.

  1. Pumunta sa Controls
  2. Kapag nasa Controls ka na, siguruhing nasa Universal Hero Settings tab ka.
  3. Mag-scroll pababa sa Advanced Control Mode
  4. I-on ang Hero Lock Mode
Mobile Legends Hero Lock Mode
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Panisin si Helcurt gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends