Simula ng unang ginamit ito ni Daniel “SDzyz” Chu ng TNC Pro Team ML sa pagsisimula ng MPL Philippines Season 9, patuloy na nagiging popular na emblem choice ang Jungle Demon Slayer. Umabot na ito hanggang sa MPL Indonesia, kung saan ginagamit ito ng mga kilalang junglers tulad ni Albert “Alberttt” Nielsen Iskandar ng RRQ Hoshi.

Malaking rason kung bakit sumikat ang Jungle Demon Slayer emblem ay ang nerf na binigay sa Killing Spree sa huling patch noong Enero. Malaking dagok sa Assassin emblem users ang bawas na HP regeneration mula 15% papuntang 12%, gayundin sa Movement Speed Boost na ginawang 15% galing sa 20% noon kapag nakakapatay ng kalabang hero.

Bagamat hindi na kasing epektibo ang nasabing emblem ay may mga loyalista pa rin sa paggamit nito.


Alberttt mas hiyang parin sa Assassin Killing Spree kaysa sa Jungle Demon Slayer

Credit: ONE Esports

Nangunguna ngayon sa MPL ID S9 rankings ang RRQ Hoshi ni Alberttt. Malaking dulot ito ng kaniyang pagkamada sa kaniyang jungler role, kung saan mapapansin na palagiang Jungle Demon Slayer ang pinipili niyang emblem sa kaniyang mga heroes. Huli niya itong ginamit kontra Bigetron Alpha noong Week 5 kung saan isinalang niya ang paborito niyang Ling.

Bagamat malaki ang impact sa kaniyang farming ang pagkakaroon ng nasabing emblem, hindi raw masyadong hilig ni Alberttt ang paggamit nito. Pagkukumpara ng RRQ jungler, “Actually, these two emblems are good, but personally I prefer Killing Spree. Because Demon Slayer is more inclined to farming or stealing enemy buffs.”

Credit: ONE Esports

Dagdag pa niya, “I personally don’t like the Demon Slayer emblem, especially for Ling. For other heroes, it can still be considered.”

Hindi man swabe sa kaniyang playstyle ay batid naman ni Alberttt ang epekto ng Jungle Demon Slayer kaya kaya naman mas pinipili niya ito gamitin sa kanilang laban, lalo pa’t swak naman ito sa galawan ng kaniyang koponan.

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Acil inilahad ang ilang criteria sa pagpili ng players na bumubuo sa Indonesian MLBB team para sa 31st SEA Games