Ibinunyag ni assistant coach Adi”Acil” Syofian Asyauri ang ilan sa mga main criteria na ginamit nila ni head coach James “Jamess” Chen sa pagpili ng pitong manlalaro na parte ng Indonesian Mobile Legends: Bang Bang national team para sa 2022 Southeast Asian Games.

Sa anunsyong ginawa ng esports national team sa Jeep Station Indonesia Megamendung sa Bogor noong ika-9 ng Marso, iprinesenta sina Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar, Rivaldi “R7” Fatah at Calvin “Vynnn” ng RRQ Hoshi, Gilang “SANZ”, Nicky “Kiboy” Fernando at Calvin “CW” ng ONIC Esports, at Ihsan “Luminaire” Besari Kusudana ng EVOS Legends bilang mga miyembro ng Indonesian MLBB national squad.

Sila ang mga pumasa sa national selection at itinuring na best of the best mula sa 25 players na nakalahok Stage 1.

Para mabigyang-linaw ang lahat, ibinunyag ni Acil, na head coach din ng RRQ Hoshi sa MPL Indonesia Season 9, ang ilan sa mga batayan ng paghugot nila ng pitong players na magre-representa sa Indonesia sa 31st SEA Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

“Hal paling utama itu soal out game lah seperti attitude (sikap), disiplin, try hard-nya dalam bermain. Setelah itu yang keduanya soal in game team play. Karena kami di sini kan menyatukan (banyak) player dari berbagai tim,” wika ni Acil sa isang panayam kasama ang Sobat7 Kepo! sa Trans7.

(Ang pinakatinignan namin ay ‘yung labas sa laro tulad ng attitude, disiplina at masipag. Pagkatapos niyan ay tungkol na sa in-game team play dahil pagsasamahin namin ang mga manlalaro mula sa iba’t-ibang koponan.)


Malakas ang loob ni Acil na masusungkit ng Indonesian MLBB national team ang gintong medalya sa SEA Games

Acil
Credit: Instagram/RRQ_Acil322

Ngayong napili na ang pitong manlalaro, ang Indonesian MLBB national team ay magsasagawa ng mga exercsise at trial bilang paghahanda para sa darating na SEA Games.

Sa lakas ng nabuo nilang koponan, buo ang tiwala ni Acil na makukuha nila ang gold medal sa regional meet.

“Dibilang optimistis, kami pastinya sangat percaya diri dan optimistis. Saya selalu bilang bahwa ‘jika kita tidak percaya diri dan optimistis untuk mendapatkan (medali) emas, untuk apa kita ada di sini,” saad niya.

(Talagang confident at optimistic kami. Lagi kong sinasabi na kung hindi kami confident at optimistic na makuha ang ginto, para saan pa na nandito kami.)

Nakatakda ang paghahanda ng national squad mula ika-17 ng Marso hanggang sa susunod na 45 na araw. Ngayong medyo kapos na ang oras at may iba ring pinagkakaabalahan ang mga manlalaro, hiling ng Indonesian MLBB fans na makapaghanda ang koponan para makamit ang tagumapay sa SEA Games.

Sa nakaraang SEA Games na ginanap sa Pilipinas noong 2019, pinatumba ng SIBOL MLBB national team ang Indonesian squad sa grand finals para maiselyo ang ginto.

Ngayong taon naman, ang SIBOL ay binubuo ng Blacklist International sa panguguna ng dekoradong V33Wise duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario.


Hango ito sa artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.