Isa ang RRQ Hoshi sa mga respetadong koponan sa eksena sa Mobile Legends: Bang Bang hindi lamang sa Indonesia kundi sa buong mundo. Dekorado ang King of Kings na may pinakamaraming bilang ng MPL trophies sa Indonesia, kung saan inuwi nila ang kampeonato ng tatlong ulit.
Simula noong Season 4 ay maiging inaantabayanan ng mga miron ang performance RRQ Hoshi. Hindi maaalis ang experience at quality ng players na mayroon ang koponan kung saan magkahalong beterano at young stars ang nagdadala sa kanila sa rurok ng eksena.
Ngayon naman, nakatuon ang pansin ng mga miyembro ng batikang team para makapasok sa Indonesian MLBB national team.
Kalahok ang RRQ Hoshi sa SEA Games national training
Hindi man naiuwi ang korona magmula noong MPL ID Season 6 ay maganda ang ipinakitang performance ng koponan sa MPL ID Season 8 kung saan nakarating sila sa Grand Finals. Dahil dito, naselyo din ang RRQ ng tiket papunta sa M3 World Championship kung saan ipinakita nila ang husay ng Indonesian MLBB kahit pa kinapos kontra sa Pinoy teams.
Sa kadahilanang ito, naimbitahan ang RRQ Hoshi roster kasama ang ONIC Esports para magsanay para sa tiyansang maging parte ng Indonesian MLBB national team.

Malaki ang tiyansa na sina Xinnn, Alberttt, Vynnn, R7 at Clay ay sasabak para sa national training. Kasabay nila ang mainstays ng ONIC Esports na nagwagi noong nakaraang season. Ang pagkakaiba lamang ay opisyal ng inilahad ng RRQ ang pagsali ng kanilang limang beterano sa pagsasanay habang wala pang anunsyo mula sa ONIC tungkol dito.
Hindi malabong magkaiba ang schedule ng pagsasanay para sa MPL ID Season 8 at training para sa Indonesian MLBB national team. Gayunpaman, sigurado na magiging mahirap ang lakbayin ng mga players kung gaganapin ang nasabing praktis sa weekdays.

Kung dadaluhan nila ang paghahanda par sa Southeast Asian Games (SEAG) ng weekdays at maglalaro sa MPL sa weekends ay siguradong mararamdaman nila ang mental at physical fatigue.
Kaya naman marami ang nagtanong kung bakit ganoon na lamang ka-bukas ang Team RRQ sa ideya ng pagpapahiram ng kanilang players para sa training ng Indonesian MLBB national team. Ngunit may malaking rason kung bakit ganito:
Sina James at Acil ang gagabay sa Indonesian MLBB national team.
Si James ang coach ng Indonesian MLBB national team habag si Acil naman ang kaniyang assistant
Kakapasok lamang ng balita na si James ang mamumuno sa Indonesian MLBB national team. Naungasan niya sina Zeys at Ko Lius na kabilang sa mga pinagpilian para sa natatanging coaching position.
Sa punto mismong iyon ay pumutok na ang balitang si Acil, head coach ng RRQ Hoshi, ang magiging assistant para sa national team.
“I want to learn to lead in the meantime. I was contacted (by the National Selection Committee) and asked to partner, but previously I knew there would be a National Selection Committee for coaches, assistants and analysts,” sabi ng coach sa isang panayam kasama ang ONE Esports.

Sa usaping roster naman, may lima pang players na pipiliin para makumpleto ang lineup ng Indonesian MLBB national team. May sampu ring players mula HFX na PON champions at mayroon pang open qualifying team kung kaya’t marami pang dapat asikasuhin ang dalawang coaches.

Gayunpaman, malaki ang advantage ng pagiging malapit ni James at Acil sa RRQ players. Magiging kapana-panabik ang national selection ngunit hindi malayong punuin ng RRQ Hoshi players ang kinatawan ng Indonesia sa SEA Games.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratam ng ONE Esports ID.