Pinakita ng defending champion na ONIC Esports na handa sila sa surpresang ginawa ng karibal na RRQ Hoshi sa kanilang grudge rematch sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 9.

Ginulat ng RRQ ang mga manonood nang palaruin nito ang mga rookies na sina Aether, Violence at Yummy–mga talentadong players na na-promote mula sa kanilang MDL squad.

Pero bilang isang beteranong koponan, hindi natinag ang ONIC ID at binandera ang championship roster nito maliban kay Drian sa muling paghaharap ng Yellow Hedgehogs at King of Kings na nagsagupaan sa title series ng nakaraang season.


ONIC ID gumamit ng dalawang magkaibang meta kontra RRQ

Nagpakita ng dalawang magkaibang stratehiya ang ONIC Esports sa kanilang rematch laban sa RRQ Hoshi na inilabas ang kanilang tatlong rookies.

Unang nilang ginamit ang meta kung saan naglaro si ONE Esports MPL Invitational 2021 MVP SANZ bilang mid laner-support gamit ang Vale habang ang agresibong si Sir Ft Lans naman ang nagsilbing jungler.

Nagpakitang-gilas si SANZ upang matabunan ang magandang performance ni RRQ gold laner Skylar sa Beatrix at ibigay ang Game 1 victory sa ONIC ID.

Pagdating naman ng Game 2, gumamit ang ONIC ng double roamer strategy sa pamamagitan ng Selena ni Kiboy at Diggie ni SamoHttt pinalitan si Sir Ft Lans para sa kanyang MPL ID debut.

Bumalik na sa jungler role si SANZ gamit ang Aulus at pinangunahan ang 21-minute comeback win ng Yellow Hedgehogs salamat na rin sa tulong ng crowd control at matinding burst damage mula sa kanyang mga kakampi.


Huwag niyong i-down si Aether at ibang RRQ rookies

Nakatanggap ng samu’t-saring kritisismo mula sa netizens ang tatlong bagito ng RRQ Hoshi lalo na si Aether.

Malayo pa naman ang itatakbo ng MPL ID Season 9 at kailangan ng mga batang players na ‘to ng oras para makakuha ng mahahalagang karanasan.

Credit: RRQ

Si Aether ang pinaka-inatake ng mga kritiko. Dapat nating alalahanin na ang debut ni Alberttt para sa RRQ ay hindi rin kagandahan, pero ngayon ay isa na siya sa mga tinitingala hindi lang sa Indonesian MLBB scene kundi sa buong mundo.

Ang pagkatalong ito ay dapat maging motibasyon kay Aether maging kina Yummy at Violence para mas lalo pang lumakas sa hinaharap.


Hango ito sa artikulo ni Rezi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.