Noong nakaraang taon lamang ay isa sa mga pinaka-matunog na pangalan sa Mobile Legends eksena sa Indonesia si Ando. Gayunpaman, sa kabila ng hype na nakapalibot sa Manado-native ay hindi naging kaaya-aya ang performance niya para sa EVOS Esports

Dati ng naglaro para sa MDL team ng White Tigers na EVOS Icon ang bantog na player, ngunit hindi gumulong sa inaasahan ang karera ng player sa EVOS Legends matapos huling maglaro para sa team noong Esports President’s Cup.


Magaling sa mechanics si Ando ngunit kulang sa experience

Credit: MDL ID

Malaking upside ng pro ang kaniyang abilidad sa larangan ng mechanics. Ito rin ang nagpabango ng kaniyang pangalan ng bumalagbag siya para sa EVOS ICON sa MDL ID Season 4 kung saan binuhat niya ang koponan patungo sa Grand Final, ngunit kinapos kontra Alter Ego X.

Ganoon man ay kung ikukumpara ang amateur standout sa mga midlaners na mayroon ang EVOS Legends, ay makikita ang pagkakalayo nila sa kung paano nila dalhin ang kanilang sarili in-game. Makamandag at eksperiyensado ang EVOS roster sa midlane na binubuo ni Luminaire at Clover, kaya naman mababa ang prayoridad para sa up-and-coming pro. 

Mas pinalabo pa ang kaniyang pagpasok sa main lineup noong pumutok ang kuro-kurong kukuhanin ng team ang isa sa pinaka-talentadong midlaners sa eksena na si Cr1te mula sa King Esports.


Opisyal ng pinakawalan ng EVOS si Ando

Screenshot ni Calvin Trilles/ EVOS Esports

Hindi na naging sorpresa sa marami ng pakawalan si Ando ng EVOS na ginawang opisyal ng team sa isang post sa Instagram.

Kaugnay nito, nabubuo ang istoryang sumapi na sa Ax Gang alias GPX team ang pro. Naibalita nan gang naglalaro na para sa GH GPX si Ando sa nakalipas na linggo.

Sa isang post na inilabas sa Instagram Info Scrim, lumabas ang pangalan ni Ando bilang midlaner ng GPX. At ngayong nakatakda maglaro ang team para sa MDL play-in, inaasahan na iaanunsyo ang paglipat ng pro kasama ni REYY suot ang mga GPX jerseys.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL, MDL, at marami pang iba!

BASAHIN: RRQ Hoshi sisimulan ang preparasyon para sa M4 sa MPL Indonesia Season 9