Hindi pa tapos ang major overhaul ng EVOS Legends roster. Kasunod ng pagpapakawala sa siyam na players mula sa active lineup, kinumpirma ng esports organization na sina Antimage at LJ kasamang kakalas mula sa White Tigers roster.

Alinsunod ito sa ibinahagi ng VP ng EVOS Esports na si Aldean tegar na sinabing marami daw “farewells” ang magaganap sa team habang nalalapit ang pagbubukas ng MPL Indonesia Season 10.


Karera nina Antimage at LJ kasama ang EVOS Legends

Credit: ONE Esports

Sa pagtatapos ng 2020, magkasabay na nilisan nina Antimage at LJ ang kani-kanilang teams na gumulantang sa Mobile Legends eksena sa Indonesia noon.

Maalala na parte si Antimage ng Kage ONIC Esports roster na noon ay nagdomina sa competitive scene. Samantala, tinulungan naman ni LJ ang RRQ Hoshi na maselyo ang dalawang MPL ID titles katuwang pa ng MPL Invitation 4 Nation Cup tropeyo.

Bilang dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa mundo ng MLBB sa bansa, inantabayanan ng mga miron kung saan dadako ang dalawa. At ng inanunsyo na dadalhin nila ang kanilang malawak na karanasan at talento sa puder ng EVOS Legends, gayon na lamang ang padiriwang ng White Tiger fans.

Credit: EVOS. Antimage

Hindi binigo nina Antimage at LJ ang natanggap na suporta mula sa mga miron dahil debut season pa lamang nila ay naiuwi na nila ang kampeonato ng MPL Indonesia Season 7. Dahil sa kaledad ng ML na ipinakita ay nanatili ang dalawang betarano sa team hanggang Season 9.

Ngayong maituturing na free agents sina Antimage at LJ, siguradong maraming koponan ang interesante na makuha ang kanilang serbisyo lalo pa’t malawak dekorado ang kani-kanilang mga karera.

Sundan ang pinakahuli sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Donkey sisiguraduhing makukuha ng EVOS Legends si Dlar