Palapit na nang palapit sa katotohanan ang pagsali ni Dlar sa EVOS Legends. Hanggang ngayon ay wala pa ring pormal na anunsyo tungkol dito, ngunit parami na nang parami ang mga indikasyon na tuloy na tuloy na ito.

Ang EVOS Legends MPL ID roster ang pinakahihintay ng marami. Ito ay may kaugnayan sa dami ng mga tanong at haka-haka na nag-uugnay sa kanila. Mula sa pagsali ni Dlar sa EVOS Legends, hanggang sa kung maglalaro o hindi ang natitirang M1 trio.

EVOS Legends M1 Champions

Si Dlar ay isa sa mga pinakapinag-uusapang Pinoy players na maglalaro sa MPL ID. Bukod sa pagiging isa sa mga senior players ng squad na pinakawalan ng ONIC PH, ang kanyang experience ay kapantay rin ng kay Baloyskie.

Dalawa sa mga teams na nabalitang pupuntahan ni Dlar ay ang EVOS Legends at Bigetron Alpha.

ONIC PH Dlar
Credit: Mobile Legends Esports

Isa pa sa mga bagay na nagpapa-curious sa mga tao tungkol sa White Tiger roster ay ang posibilidad ng mga natitirang M1 tridents na sina Wann, REKT, at Luminaire.

Hanggang sa wakas ay pinagtibay ni Donkey ang potensyal na magkatotoo ang dalawang bagay na nabanggit.


Kinumpirma ni Donkey ang pagsali ni Dlar sa EVOS Legends, goodbye M1 trio

Sa isang live stream, muling nagsalita si Donkey tungkol sa roster ng MPL ID team.  Sa pagkakataong ito, inihayag niya ang MPL ID S10 roster ng EVOS Legends.

Cr1te Zeys EVOS Legends MPL ID S9
Credit: Moonton

“The EVOS Legends roster is Bajan, Dlar, Pendragon, Tazz, Ferxiic, and Cr1te, without Luminaire and Wann. Neither did Gustian. Moreover, Gustian, you guys expect him to play? That’s why EVOS Old wants to make a new Youtube, just a memory guys,” sabi niya.



“Dlar is that certain? Certainly. Antimage doesn’t come in,” sa kanyang pagtatapos.

Kung totoo man na dadagdag sa roster ng EVOS Legends si Clover, nangangahulugan lang na walang veteran players sa team. Karamihan sa kanila ay mga batang players, at ang pinaka-senior na ay sina Clover, Dlar, at Cr1te.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.