Maghihiwalay na ng landas ang ONIC Philippines at ang kanilang long-time player na si Gerarld “Dlar” Trinchera.

Ito ay isinapinal ng koponan sa isang social media post kung saan isinaad nila na ito raw ay “one of the hardest goodbyes” karugtong ng sunod-sunod nilang pagpapakawala ng players at coaching staff mula sa kanilang roster.

“Thank you Dlar for a great journey together. We are grateful for the time you have spent with Onic. We wish you the best in your future career and may you always remember us in your hearts,” sulat ng team sa nasabing post


Kampanya ni Dlar kasama ang ONIC PH

Credit: MPL PH

Simula noong unang sumabak para sa ONIC PH noong MPL Philippines Season 4, si Dlar na ang naging mukha ng franchise sa loob at labas ng Land of Dawn. Sa labas ng laro, isa ang beterano sa nagpalago ng fandom ng team dahil sa kaniyang preskong dating at makataong personalidad.

Malaking kaibahan ito sa kargang ere at bangis ng kaniyang laro lalo sa mga pagkakataong hawak niya ang kaniyang signature Uranus at Yu Zhong picks na bumulabog sa mga kalabang teams.

Ito rin ang dahilan kung bakit itinuturing siya ng ilan bilang isa sa mga pinaka-epektibong EXP laners sa MPL PH, katuwang ng mga bansag na “The CEO” at “The General”.

Bagamat hindi naransang mahawakan ang tropeyo ng MPL PH at, malawak na ang karanasan ni Dlar sa parehong lokal at international MLBB eksena. Pinakahuling lista sa kaniyang dekoradong karera ang first runner up finish sa MPL PH Season 8, at M3 World Championship kung saan nagtapos din siya kasama ang ONIC PH sa parehong posisyon.


Credit: MPL PH

Si Dlar na ang susunod na miyembro na aalis sa ONIC PH roster na huling sumabak noong MPL PH Season 9. Kasunod ito ng pagkalas nina Denver “Coach Yeb” Miranda at Kairi “Kairi” Rayosdelsol na babandera na ngayon para sa mother organization na ONIC Esports.

Bukod dito, linisan na din nina Marky “Markyyyyy” Capacio, Allen “Baloyskie” Baloy, Ian “Beemo” Sergio at Mico “Micophobia” Quitlong ang lineup ng team.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kelra sa MPL ID? Ito ang 3 teams na kayang mag-offer ng malaking halaga