Muling umugong ang mga balita sa posibleng paglipat ni Duane “Kelra” Pillas sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia.

Hindi na maipagkakaila na Pilipinas ang pinakamalakas na rehiyon sa larangan ng laro matapos nitong maselyo ang ikapitong kampeonato sa mga international tournament. Dahil dito, sunod-sunod na rin ang mga paglipat ng mga Pinoy sa ibang bansa, tulad na lang ni Coach Zico na kinuha ng BURN X FLASH sa Cambodia.

Kelra sa MPL ID? Ito ang 3 teams na kayang mag-offer ng malaking halaga
Credit: ONE Esports

Bagamat hindi pa kumpirmado sa ngayon, usap-usapan din ang ‘di umano’y paglipat ng dating ONIC Philippines jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol at coach na si Denver “Yeb” Miranda sa ONIC Esports para sa susunod na season ng MPL ID.

Bukod sa dalawa, niligawan din daw noon ng Bigetron Alpha sina Jaymark “Hadess” Lazaro at Adrian “Toshi” Bacallo. May mga hinuha rin tungkol sa pagiging import ni Gerald “Dlarskie” Trinchera sa parehong rehiyon, at ngayon uli, ang paglipat ni Kelra sa MPL ID.

Ang posibilidad na lumipat si Kelra sa MPL ID

Kelra sa MPL ID? Ito ang 3 teams na kayang mag-offer ng malaking halaga
Credit: ONE Esports

Muling nabuksan ang usapan patungkol sa paglipat ni Kelra sa MPL ID matapos ibahagi ni Billy “Z4pnu” Alfonso sa kanyang YouTube channel na may mga offer na natanggap ang gold laner mula sa mga organisasyon ng bansa.

“Si Kelra, guys, ino-offer-an na rin ng taga [Indonesia]. Gusto siyang i-buyout,” kwento ni Z4pnu.

Bagamat hindi pinangalanan ng beterano ang organisasyon, matatandaang isiniwalat naman niya bago magsimula noon ang ikasiyam na season ng liga na nag-offer noon ang RRQ Hoshi kay Kelra.

Kelra sa MPL ID? Ito ang 3 teams na kayang mag-offer ng malaking halaga
Credit: ONE Esports

“… Ang sahod ni Kelra doon, kinukuha siya, parang six-digits,” dagdag ni Z4pnu.

3 Indonesian teams na kayang mag-offer nang malaki kay Kelra

Sapat nang patunay ang franchise format ng MPL ID sa kakayahan ng mga organisasyon na tustusan ang mga gastusin para bumuo ng isang esports team. Pero aling koponan nga ba ang may kakayahan na kunin si Kelra sa kabila ng mataas na presyo? Narito ang palagay ng ONE Esports Indonesia.

Kelra sa MPL ID? Ito ang 3 teams na kayang mag-offer ng malaking halaga
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Bigetron Alpha

Maraming pagbabago ang nangyari sa roster ng koponan papasok ng ika-10 season. Bukod dito, may karanasan na rin ang Bigetron Alpha sa pakikipagtrabaho sa mga foreign coach sa ibang dibisyon, kaya’t hindi na bago sa kanila ang mag-recruit ng player sa laban ng kanilang bansa.

EVOS Legends

Isang koponan na nangangailangan pa rin ng mapagkakatiwalaang gold laner. Bagamat Pinoy na EXP laner at roamer ang hinanap ng EVOS Legends, ayon sa post ni Coach Zeys, upgrade pa rin kung maituturing ang pagpasok ni Kelra.

Geek Fam ID

Marahil ay panahon na para sa Geek Fam ID na mag-import ng player, gaya ni Kelra. Hindi na kasi nagbubunga ng magandang resulta ang pagkuha nila sa mga batang players na halos walang karanasan para maglaro sa MPL ID.


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ONIC PH kinumpirmang sasabak pa rin sa MPL PH Season 10