Isinawalat ni Billy “Z4pnu” Alfonso, sixth-man ng Smart Omega, na may isang organisasyon mula sa Indonesia na nag-offer kay Duane “Kelra” Pillas ng hindi bababa sa ₱100,000 na sahod para maglaro sa kanilang koponan.

May dahilan kung bakit “The Filipino Savage” ang bansag sa bantog na gold laner. Malaki kasi ang ginagampanang papel ng 17-taong-gulang na manlalaro sa mga naging tagumpay ng kanyang koponan hindi lang sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH), kung hindi maging sa mga international tournaments.

Halimbawa na lang noong MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), kung saan si Kelra lang ang tanging manlalaro na naka-iskor ng Savage. Gamit ang paborito niyang Beatrix, sinelyo ng manlalaro ang ikatlo niyang Savage simula noong pumasok siya sa liga noong ikapitong season nito.

Z4pnu: 'Kelra inofferan ng six-digit na sweldo ng isang ID team'
Credit: ONE Esports

Bagamat nauwi sa ikatlong puwesto ang pagtangka ng Smart Omega na depensahan ang kanilang titulo, ‘di pa rin maipagkakaila na isa si Kelra sa pinakamahuhusay na manlalaro. Kaya naman hindi na nakakagulat kung nakakatanggap ang manlalaro ng mga offer mula sa mga koponan sa ibang bansa.

Z4pnu, isiniwalat na may Indonesian team na gusto i-buyout si Kelra

Sa isang vlog na inilathala sa kanyang YouTube channel, ikinwento ni Z4pnu ang mga pangyayari sa Z4 Esports at roster changes papasok ng MPL PH Season 10. Dito niya isiniwalat ang balita tungkol sa kanilang gold laner.

“Si Kelra, guys, ino-offer-an na rin ng taga [Indonesia]. Gusto siyang i-buyout,” kwento ni Z4pnu.

Z4pnu: 'Kelra inofferan ng six-digit na sweldo ng isang ID team'
Credit: ONE Esports

Tumanggi ang beteranong manlalaro na pangalanan ang organisasyon dahil muntik na raw siyang mapagmulta noong huling beses na ibinahagi niya ito. Matatandaang si Z4pnu rin ang nagbunyag na nakatanggap si Kelra ng offer mula sa RRQ Hoshi para sa MPL Indonesia Season 9.

Habang nililista ang mga manlalaro at coach na kinuha para maglaro sa ibang bansa, gaya ni Coach Zico na lumipat sa Cambodia, binanggit ni Z4pnu na six-digit daw ang offer kay Kelra.

“… Ang sahod ni Kelra doon, kinukuha siya, parang six-digits,” dagdag ni Z4pnu.

Hindi naman kinumpirma ni Z4pnu kung kinuha ng gold laner ang offer, bagamat siniguro na nasa kanya ang desisyon.

Mapapanood ang buong vlog dito:


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ONIC PH kinumpirmang sasabak pa rin sa MPL PH Season 10