Sinalubong ng mga miyembro ng BURN X FLASH Mobile Legends team ang kanilang bagong coach na si John Michael “Zico” Dizon matapos lumapag sa Phnom Penh International Airport, Cambodia kahapon, June 17.

Kasabay nito, inanunsyo ng koponan na si Zico na ang gagabay sa kanila sa kampanya nila sa MPL Autum Split sa Cambodia, at sa tangka nilang makaselyo ng spot sa M4 World Championship na inaasahang gaganapin sa huling bahagi ng taon.

“Welcome to Our Family Zico. Welcome to our fire family ❤️???????????? See you at MPL Autumn Split, our Flamers ????????????” sulat ng team sa post nila sa social media.

Tampok din sa live video ng BURN x FLASH tank roamer na si D7 ang una nilang engkwentro sa kanilang bagong head coach.


Zico gagabayan ang BURN X FLASH MLBB team bilang head coach

Credit: ONE Esports PH

Matapos ang dalawang seasons bilang head coach ng Nexplay EVOS sa MPL Philippines, susubukan namang tulungan ng dating pro player ang BURN x FLASH MLBB team sa MPL Cambodia (MPL KH).

Maalalang malaki ang ginampanan ni Zico sa pagbabago ng tadhana ng NXPE na dati ay muli’t-muling 8th placers sa MPL. Sa kaniyang panahon bilang head coach ng Pinoy team, nagawa ng koponan na maging lehitimong title contenders sa isa sa mga pinakamabagsik na MPL region sa mundo.

Ngunit ang highlight ng kaniyang karera sa Pinoy MLBB eksena ay ng itaguyod niya ang koponan sa SIBOL MLBB Phase 2 Qualifiers kung saan naka-abot sila ng grand finals.

Bagamat natisod sa kalaunan ay PH reps at 31st SEA Games Gold medalists Blacklist International, dito pinatunayan ng dating NXPE coach ang kaniyang kalibre bilang utak ng team.

Credit: BURN x FLASH

Ngayon, tatangkain ni Zico na dalhin sa parehong direksyon ang Cambodian team na kamakailan ay nagtapos ng 4th place sa MPL KH Spring Split. Binubuo ang team nina D7, XEON, C CAT, ATM at ni Fury.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang rason kung bakit umalis si Zico ng NXPE