May iba’t ibang ritwal na ginagawa ang mga pro players bago magsimula ang laban, tulad ng pakikinig ng music o pagme-meditate.

Ang iba ay may kakaibang pregame rituals, tulad ni Calvin “Vynn” ng RRQ Hoshi na umaming nagsusuot ng tatlong patong ng damit pang-ibaba upang maging komportable.

Para kay Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ang kanyang inspirasyon para gawin ang lahat nang kanyang makakaya bago ang bawat Mobile Legends: Bang Bang match.

Kelra nanghihingi ng gabay bago ang bawat match sa MSC 2022

MSC 2022 Smart Omega Renzio Kelra Pakbet Allidap Chaknu
Credit: ONE Esports

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), ibinahagi ni Kelra ang kanyang pregame ritual bago ang bawat match. Ayon sa 17-anyos, may isang bagay siyang kailangang gawin bago tumapak sa entablado.

“Nagdadasal po ako nang tatlong beses bago magsimula ang match,” sabi niya. “Madalas po pagkatapos maligo, pagdating sa venue, at minsan po pag pumupunta sa restroom.”

Matapos matalo sa TODAK sa upper bracket playoffs ilang araw na ang nakalipas, ang MSC defending champions ay nasa lower bracket na at nasa bingit ng pagkalaglag mula sa tournament.

Omega Esports MSC 2022 winning moment
Credit: MSC

Tinapos nila ang EVOS SG sa isang vlean sweep sa unang round ng lower bracket playoffs. Nang tanungin siya kung may nararamdaman siyang pressure sa kanilang pagpapatuloy papunta sa susunod na round, isa lang ang sagot ni Kelra. “Hindi ako nagti-tilt,” sabi niya.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.