Opisyal na inanunsyo ng ONIC PH na hindi na bahagi si Paul Denver “Coach Yeb” Miranda ng koponan nitong Lunes, ika-20 ng Hunyo.

Sa isang pahayag, nagpasalamat ang organisasyon sa mga kontribusyon ni Coach Yeb na kinabibilangan ng kanilang runner-up finish sa M3 World Championship.


Wala na si Coach Yeb sa ONIC PH

Coach Yeb
Credit: ONIC PH

“We would to thank Paul Denver “Coach Yeb” for his time with ONIC Philippines. We will make sure to bring and uphold all the lessons and advices you have brought to us,” pahayag ng organisasyon.

“He is more than a coach. He served as the backbone of our strength, he served as the foundation to the team and he brought out the fire and passion of our players,”ani rin nila.

“More importantly, Coach Yeb has taught us not only to have fun but made us all realize what a real family is. Thank you for teaching us that no matter what happens, we are a family here at ONIC, no matter where we go.”

Pumasok si Coach Yeb sa ONIC PH noong MPL Philippines Season 8 kung saan pinasikat nila ang “banana split” strategy upang magtapos bilang runner-up at makapasok sa M3 kasama ang Blacklist International.

Sa upper bracket playoffs ng M3, sunod-sunod na 3-0 sweep ang itinala ng ONIC PH kontra RSG SG ng Singapore, RRQ Hoshi ng Indonesia at BloodThirsty Kings ng North America para sunggaban ang unang grand finals slot ng naturang torneo.

Subalit pagdating sa best-of-seven championship series ay winalis sila ng Blacklist International at lumapag ulit sa second place. Gayunpaman, isa pa rin itong malaking tagumpay para sa organisasyon na maagang natanggal sa unang pagsabak nila sa world tournament noong M1.

Credit: Moonton

Galing sa malakas na kampanya sa MPL PH Season 8 at M3, inasahang magdomina ulit sila Coach Yeb at ang PH Yellow Hedgehogs sa Season 9 ngunit hindi nila ito nagawa.

Matapos kuhain ang No. 4 seed sa group stage, tinalo nila ang Nexplay EVOS sa play-ins ngunit nawalis naman sila RSG PH sa upper bracket semis at Smart Omega sa lower bracket semis kaya nagtapos sila sa fourth place at kinapos na makapasok sa MSC 2022.

Wala pang balita kung ano ang magiging sunod na hakbang ni Coach Yeb sa kanyang MLBB career.


Para sa mga istorya patungkol sa MPL PH at Mobile Legends, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.