Sa bawat esports game, tipikal na may mga rehiyong nagdodomina dito. Halimbawa, mga taga-South Korea ang bigatin sa larangan ng League of Legends. Habang sa Dota 2, mga Europeo ang nanaig sa eksena.

Sa larong Mobile Legends, walang duda na ang Pilipinas ang nangunguna.

Taong 2018 pa lamang ay kaliwa’t-kanang tropeyo ang nakukuha ng pro teams galing Pinas. At ngayong 2022, patuloy na umaariba ang mga koponan galing sa rehiyon kaya naman tinitignan ang bansa bilang ‘best in the world’.

Listahan ng Mobile Legends tournaments na ipananalo ng pro team galing Pinas

Sa huling bilang, may pitong kampeonato na ang naiuwi ng pro teams galing sa bansa.

TEAMTOURNAMENTDATE
Aether MainMSC 2018July 27 to 29, 2018
Team PH30th Southeast Asian GamesDecember 5 to 8, 2019
ExecrationMSC 2021June 7 to 13, 2021
Bren EsportsM2 World ChampionshipJanuary 18 to 24, 2021
Blacklist InternationalM3 World ChampionshipDecember 6 to 19, 2021
Team PH31st Southeast Asian GamesMay 18 to 20, 2022
RSG PHMSC 2022June 11 to 19, 2022

Sinundan lamang ng Indonesia ang bansa sa bilangan ng international MLBB tournament wins. Kabilang dito ang M1 World Championship na nakuha ng EVOS Legends, ang MSC 2019 at ONE Esports MPL Invitational 2021 ng ONIC Esports, MPLI 4 Nationa Cup ng RRQ Hoshi at MPLi 2020 ng Alter Ego.

Ang bansang Thailan naman ang sumunod sa listahan na may isang titulo. Huling nanalo sa international Mobile Legends tournament ang bansa ng kuhanin ang IDONOTSLEEP ang tropeyo noong MSC 2017.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Matapos ang 3 seasons, Kairi kakalas na mula sa ONIC PH