Kamakailan ay umugong ang bali-balita lilisanin na ng batikang EXP laner na si Gerald “Dlarskie” Trinchera ang kanyang longtime team na ONIC PH at maglalaro sa ibang Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) region, partikular na ang MPL Indonesia.

Sa katunayan, inilahad ng 22-year-old pro sa isang sponsored livestream kasama sina Allen “Baloyskie” Baloy at Mico “Micophobia” Quitlong na may kumukuha sa kanya na Indonesian team.

Dagdag pa rito, nag-tweet siya kamakailan na naghahanap siya ng isang guro ng Ingles, isang indikasyon na posibleng mangibang-bansa nga siya at maglaro para sa isang MPL ID squad.

Dlarskie tweet
Credit: Dlarskie Twitter

Nilinaw naman ni Dlarskie sa nasabing livestream na wala pa siyang pinal na desisyon pero sinabi niyang maglalaro pa rin siya sa darating na season.

Kung matutuloy nga ang kanyang paglipat mula MPL Philippines patungong MPL Indonesia, anu-anong koponan nga ba ang may mataas na tsansa na makuha ang beteranong manlalaro?


3 MPL ID teams na malaki ang pag-asang ma-recruit si Dlarskie

EVOS Legends

Credit: Bjorn Ong

EVOS Legends na marahil ang may pinakamalaking potensyal na maakit ang “The General”. Kamakailan lang ay nag-post si M1 world champion coach Bjorn “Zeys” Ong na naghahanap sila ng EXP laner at roamer na mula sa Pilipinas.

Sa katunayan, nag-iwan ng comment ang beteranong EXP laner sa naturang post ni Coach Zeys: “EVOS Dlar?” ani niya.


ONIC Esports

Credit: ONIC Esports

Isa pa ang ONIC Esports na may mataas na tsansang ma-recruit si Dlarskie. May bulungan na kukunin ng organisasyon ang ilan sa haligi ng ONIC PH para palakasin ang kanilang sarili pagsapit ng Season 10.

Kung totoo ang mga ispekulasyon na lilipat nga si Paul Denver “Coach Yeb” Miranda sa ONIC ID, mukha namang magandang desisyon kung dadalhin niya ang isa sa mga beterano niyang manlalaro.


Bigetron Alpha

Credit: Bigetron Esports

Napipisil din ang Bigetron Alpha na isa sa mga posibleng destinasyon ni Dlarskie. Aktibong nagsasagawa ng trials sa mga Pinoy players ang naturang koponan nitong mga nakaraang linggo.

Pwede niyang labanan at palitan si Muhammad Arif “RIPPO” Bin Abdul Halim sa EXP lane at tulungan ang Bigetron na magtagumpay sa MPL ID Season 10.

Maaari niyong sundan ang mga balita patungkol sa roster changes sa MPL ID at MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa istorya ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.