Sinimulan na ng dekoradong Indonesian team na EVOS Legends ang kanilang paghahanda sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10, at minamata nilang makakuha ng EXP laner at roamer dito mismo sa Pilipinas.

Karugtong ito ng anunsyo ng head coach ng team na si Bjorn “Coach Zeys” Ong na binuksan ang recruitment ng team sa kaniyang social media page.


Bukas lamang ang EVOS Legends recruitment sa PH players

Credit: Bjorn Ong

Sa naturang post, partikular si Coach Zeys na mga Pilipinong players lamang ang nais makasalamuha ng EVOS Legends. “From the Philippines? Looking for a chance to play in MPL & willing to relocate to Indonesia? This is your chance,”

Mababalikan din noong nakaraan na pinagmumuni-munihan na ng beteranong coach ang pag-iimport ng players mula sa ngayon ay pinakamalakas na MPL region. Sa kaniya pa ring page, sinabe ni Coach Zeys na “How would importing PH players to EVOS Legends sound?”

Wala pang balita kung bubuksan din ba ng White Tigers ang recruitment sa local players sa Indonesia.

Para sa mga interesadong players, maaaring i-fill out ang form na ito.


Gaano kaposible ang paglalaro ng isang PH player sa Indonesia?

Credit: MSC 2022

Nobyembre noong nakaraang taon ng umalingawngaw ang balita tungkol sa kagustuhan ng Smart Omega superstar na si Duane “Kelra” Pillas na maglaro para sa RRQ Hoshi ng MPL ID.

Bagamat hindi nagkaporma ang ideyang ito ay ginawa lamang nitong klaro ang kagustuhan ng Indonesian teams na mag-import ng PH players. Hindi lamang si Kelra ang tinignan bilang isa sa mga posibleng import sa malaking rehiyon.

Mababalikang si Yuji “MageDad Yuji” Aizawa ang isa sa mga unang MLBB superstars mula sa Pilipinas na tinangkang bunutin ng mga koponan mula sa ibang MPL regions. Sinubukang kuhanin ng Aerowolf at BTR ang serbisyo ng dating midlaner ng mala-alamat na Aether Main.

Credit: MageDadYuji/ MPL PH

Bagamat may pros at cons daw ang pagiging international pro player ayon kay MageDad Yuji, ang katotohan daw ay malaki ang tiyansang mangyari ito dahil simula pa noon ay kinatatakutan na talaga ang Pilipinas pagdating sa larangan ng Mobile Legends. 

“Marami na tayong sinet na records and meta na talagang tumatak na sa history ng ML. Also, mechanically-gifted talaga when it comes to gaming ang mga Pinoy,” dagdag pa niya.

Makakakuha kaya ang EVOS Legends ng quality player dito sa Pinas?

Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Mga pababago sa BTK roster inilahad ni MobaZane