Matapos ang anunsyo tungkol sa pag-alis ng EVOS Legends mainstays na sina Antimage at LJ, parte pa rin daw ng EVOS Esports ang dalawang stars, paglilinaw ng VP ng organisasyon na si Alean “DeanKT” Tegar.

Karugtong ito ng lumabas na balita sa social media ng team, kung saan nagpaalam at nagpasalamat ang EVOS sa dalawang pros.

Credit: EVOS Esports

Paliwanag ni DeanKt, hindi raw ibig sabihin nito na kakalas na sina Antimage at LJ mula sa brand.

Sa kaniyang livestream, sinabi ng VP na may kontrata pa rin ang dalawa bagamat hindi babandera para sa White Tigers ngayong MPL Indonesia Season 10.

“I emphasize once again brothers and sisters, Antimage and LJ are not going anywhere. They are still on EVOS. Difarewell or the title is farewell because it is not included in the lineup (MPL ID S10),” aniya.

Dagdag pa niya, “If next season you want to try again, go ahead. But follow the process. What’s the process? Yes, of course it’s different. You don’t theorize. But if there is a team that is interested in Antimage (or LJ) I give them freedom.”

@funghogaming

Udah Clear ya, Guys wkwk l Next Trio M1 Farewell ?!!! ???? SC YT: DEANKT #evosluch #fyp #mlbb #antimage #lj #farewell

♬ suara asli – Ded???? – Ded????

May halong pagbibiro din ang paliwanag ng EVOS Esports executive sa nasabing livestream. “If you want to move please, want to focus on mukbang too please.”

Maalalang sa offseason, sentro ng atensyon si Antimage sa kaniyang mukbang videos, taliwas sa tipikal na Mobile Legends gameplay videos na inilalabas niya sa kaniyang social media platforms.


Karera nina Antimage at LJ kasama ang EVOS Legends

Credit: ONE Esports

Mababalikan na ang adisyon nina Antimage at LJ sa EVOS Legends roster noong MPL ID Season 7 ang isa sa pinakamalaking balita noon. Karugtong ng transfer ng dalawang stars ang pag-asa na maibabalik nila ang talim ng mga pangil ng White Tiger sa sa liga.

Sa kasamaang palad, si Antimage lamang ang nagkaroon ng consistent roster spot hanggang season 9, habang si LJ ay bigong makakuha ng main roster spot kasunod ng muli’t-muling pagkatisod mula sa pag-aadjust sa meta.

Walang pang kasiguraduhan kung paso na o bago na ang kontrata ng dalawa para sa organization. Gayunpaman, siguradong magdadalawang-isip ang team na pakawalan ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa Mobile Legends eksena sa Indonesia.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: EVOS Legends ni-recruit ang isa sa pinakamalakas na EXP laner mula sa MPL PH