Ngayong papalapit na ang Mobile Legends Bang Bang: Professional League Indonesia (MPL ID Season 10), inaasahang iaanunsyo na ng EVOS Legends ang kanilang opisyal na roster sa madaling panahon.

Nakatutok ang mga fans maging ang analysts sa koponan nitong offseason, lalo pa’t nag-post si head coach Bjorn “Zeys” Ong sa kanyang Facebook page na tumitingin siya sa Pinoy pros para punan ang EXP lane at roam positions.

Nanatiling misteryoso ang lineup ng EVOS — hanggang sa ibunyag ni player-turned-content creator Yurino “Donkey” Putra Angkawidjaja ang lahat sa kanyang livestream kahapon.


Inilahad ni Donkey na kinuha ng EVOS Legends ang dating ONIC PH EXP laner na si Dlar

Credit: Tammy David/Evident PH

Ni hindi nag-preno ang 32-year-old streamer nang magsalita siya patungkol sa bagong roster ng kanyang former team kung saan kabilang ang dating EXP laner ng ONIC PH na si Gerald “Dlar” Trinchera.

“This season’s EVOS Legends players are Bajan, Dlar, Pendragon, Tazz, Ferxiic, and Cr1te,” wika ni Donkey.

Si Dlar ang pinakamatagal na miyembro ng ONIC PH matapos maglaro para sa koponan mula nang pumasok sila noong MPL PH Season 4. Pinakawalan siya ng organisasyon bago ang Season 10.

Credit: Moonton

Kapag kumpirmado na, si Dlar ang ikaapat na MPL PH player na maglalaro para sa isang Indonesian squad ngayong season.

Ni-recruit ng ONIC Esports ang kanyang ONIC PH teammate na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol, habang marami namang pahiwatig na sasali ang isa pa niyang ex-teammate na si Allen “Baloyskie” Baloy at dating ECHO standout Mark “Hadess” Lazaro sa Geek Fam ID.


Anong nangyari sa mga orihinal na miyembro ng M1 World Championship winning team ng EVOS Legends?

EVOS Legends M1 champion
Credit: Moonton

Hindi binanggit ni Donkey kung ang mga beteranong manlalaro na sina Ihsan Besari “Luminaire” Kusudana, Gustian “Rekt”, and Muhammad “Wann” Ridwan ay nasa lineup pa ng EVOS Legends.

Pinahiwatig niya na ang mga natitirang miyembro ng M1 World Championship winning team ng EVOS noong 2019 ay maaaring ‘di na mapabilang sa White Tigers sa darating na season.

“That’s why the old EVOS members want to make a new Youtube [page],” saad niya. “These three are just a memory now, guys.”

Kamakailan lang, sinabi ni REKT sa kanyang livestream na hindi siya maglalaro ngayong season kung may Pinoy players sa koponan.

Parte na ng MPL ID ang EVOS Legends mula pa noong unang season at nanalo sila ng kampeonato noong Season 4 at 7. Ang pinakamalaki nilang tagumpay ay ang pagsungkit ng titulo sa M1 World Championship.

Ang unofficial roster ng EVOS Legends para sa MPL ID Season 10

  • Raihan Delvino “Bajan” Ardy
  • Gerald “Dlar” Trinchera
  • Sebastian “Pendragon” Arthur
  • Darrel Jovanco “Tazz” Wijaya
  • Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin
  • Muhammad Nur “Cr1te” Efandy

Magsisimula ang MPL ID Season 10 sa ika-12 ng Agosto. I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB at MPL updates.


Salin ito ng akda ni Jules Elona ng ONE Esports.