Si Edgar ChooxTv Dumali na ang susunod na bantog na MLBB personality/streamer na sasabak para sa isang MPL Philippines team.

Ito ay karugtong ng pagsasapinal ng MPL PH S10 roster ng ONIC PH na inilahad ng koponan sa kanilang social media page, Miyerkules ng gabi, kung saan sentro ang bantog na streamer sa bagong lineup.

Makakatuwang niya ang bukod-tanging mainstay ng Yellow Hedgehog team na si Nowee “Ryota” Macasa, ang dating TNC reserve na si Landher Der San Gabriel at ang roamer ng dating Cignal Ultra team na si Jefferdson “Kekedot” Mogol.

Credit: Ryota.

Bukod sa tatlo ay puro rookies na ang sasabak para sa team.


MPL PH S10 roster ng ONIC PH

Credit: Frince
  • Edgar “ChooxTv” Dumali
  • Frince Miguel “Frinceee” Ramirez
  • Kenneth “Netskie” Barro
  • Landher “Der” San Gabriel
  • Nowee “Ryota” Macasa
  • Stephen “Sensui” Castillo
  • Jefferdson “Kekedot” Mogol
  • Ralph “Rapidoot” Adrales

Lalarga ang bagong team matapos ang ONIC PH roster overhaul kung saan binitawan nila ang kanilang mga key players tulad ni Kairi na lumipad papuntang MPL ID, at nina Dlar at Baloyskie na inaasahang sasanib din sa teams sa parehong liga.

I-check out ang Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 10