Makasaysayan ang paglipat ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa ONIC Esports dahil ito ang kauna-unahang pagkakaton na may Filipino player na maglalaro sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).

Kasama niya sa kanyang paglipat mula ONIC Philippines, ang sister team ng organisasyon, ang coach na si Denver “Yeb” Miranda. Tanyag ang naging kampanya nila noong ikawalong season ng MPL Philippines at M3 World Championship, bagamat kinapos sila sa pag-uwi ng kampeonato.

Pambihirang pagkakataon ang makapaglaro sa ibang rehiyon, pero ani ng bagong jungler ng ONIC Esports, hindi niya raw ito kukunin kung hindi dahil sa kanyang mentor.

Malaking factor si Coach Yeb sa desisyon ni Kairi na lumipat sa ONIC Esports

Pagpupursige ang layunin ni Kairi sa kanyang paglipat sa ONIC Esports para sa MPL ID Season 10
Credit: ONE Esports

Ilang sandali pagkatapos ng press conference na iniraos ng ONIC Esports, kung saan opisyal na nilang ipinakilala ang dalawang Pinoy bilang bagong adisyon sa kanilang roster para sa susunod na season, nakapanayam ng ONE Esports sina Kairi at Coach Yeb.

“My parents won’t allow me [to move to Indonesia], and I don’t think I can do it alone,” sambit ni Kairi sa ONE Esports.

(Hindi ako papayagan ng mga magulang ko na lumipat sa Indonesia, at sa tingin ko hindi ko rin kakayanin ang mag-isa.)

Kwento ng 16-taong-gulang na pro, hindi raw siya dapat papayagan maglaro sa Indonesia kung hindi kasama ang kanyang coach. Ito rin ang naging palagay ni Coach Yeb, hindi rin siya lilipat sa ONIC Esports kung hindi maglalaro si Kairi sa parehong team.

Ang expectation ni Kairi papasok sa MPL ID Season 10

Pagpupursige ang layunin ni Kairi sa kanyang paglipat sa ONIC Esports para sa MPL ID Season 10
Credit: Moonton

Nilinaw din ni Kairi na hindi niya inaasahang mangibabaw agad sa liga sa papasok na season.

“I don’t expect my performance to be very good in season 10,” kwento niya. “I just want to practice as much as possible, work hard, and show the results of the training on the MPL stage.”

(Hindi ko inaasahan na maging maganda agad ang performance ko sa season 10. Gusto ko lang mag-practice sa abot ng aking makakaya, magpursige, at ipakita ang resulta ng pinagpaguran ko sa stage ng MPL.)

Ibinahagi niya rin ang karanasan niya sa bootcamp. Aniya, lahat daw ng miyembro ng bago niyang koponan ay sinisiguradong welcome siya.

“I think my closest friends at ONIC Esports are SamohT and Drian. They welcomed me, they always feed me, and other things,” kwento ni Kairi. “We always talk, and they quickly made me a part of their team.”

(Ang pinaka-close ko sa ONIC Esports ay sina SamohT at Drian. Winelcome nila ako at parati nila ako pinapakain. Parati kami nagkekwentuhan at sinigurado nilang parte ako ng team nila.)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 Pinoy MLBB stars na may potensyal na sumunod kay Kairi sa MPL Indonesia