Bagamat matagal ng umugong ang usapin tungkol sa paglipat ng ONIC Philippines coach na si Denver “Coach Yeb” Miranda at ng jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol papuntang Indonesia, marami pa rin ang nabigla nang ipakilala ang dalawa bilang mga opisyal na miyembro ng mother organization na ONIC Esports.

Kinumpirma ito ng koponan sa isinagawang press conference noong July 5, kung saan inanunsyo nila na babandera para sa kanila ang coach at jungler tandem sa MPL Indonesia Season 10.

Credit: ONIC Esports

Kasabay ng papuri at palakpakan ng kanilang mga taga-suporta, ay ang pag-uusisa ng mga miron. Bakit nga ba kumalas sila sa lokal na team? Bakit ba sila pumunta ng Indonesia?


Coach Yeb: ‘Ang paglipat namin ni Kairi sa Indonesia ay sarili naming desisyon’

Credit: Coach Yeb

Matapos pumutok ang balita, nakapanayam ng ONE Esports is Coach Yeb kung saan inamin niya ang naging rason ng kanilang paglipat at ang prosesong kaakibat nito.

Ayon sa M3 World Championship runner up, personal na desisyon daw nila ni Kairi ang sumanib sa mother org at lisanin ang bansa.

“Kinuha kami ng CEO ng ONIC mismo tapos maganda rin ang offer. Pero personally, gusto ko rin ma-try mag-coach sa ibang bansa para sa growth ng coaching at career ko,” kuwento ng beterano sa ONE Esports.

Kahit sasabak sa ibang liga, iisa pa rin daw ang layunin nila ni Kairi at iyon ay maging kampeon. Bukod dito, nais daw ni Coach Yeb na masuri kung magiging epektibo pa rin siya bilang coach kahit pa bubuuin ng Indonesians ang kaniyang team.

Credit: MPL PH

May panawagan din ang MLBB personality sa Pinoy fans. “Sana suportahan niyo pa rin kami kahit sa MPL ID kami maglalaro.”

Patitiyak pa ni Coach Yeb, “Basta dala-dala pa rin namin ang Pilipinas at pagiging Pinoy kahit saang bansa man kami magpunta.”

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: End of an era: Dlar kumalas na ng ONIC PH