Ang posibilidad ng pagpasok ng Pinoy MLBB stars sa Indonesia ay mainit na paksa ngayong panahon ng transfer market. Pinaniniwalaang maraming foreign players ang maglalaro sa paparating na MPL Indonesia Season 10, partikular na mula sa Pilipinas.

Hindi na rin ito masyadong nakakagulat dahil itinuturing ngayon na pinakamalakas na bansa ang Pilipinas pagdating sa MLBB pro scene. Naipanalo ng Pinoy teams ang huling dalawang edisyon ng MLBB World Championship (M2 at M3), MLBB Southeast Asia Cup (2021 at 2022) at Southeast Asian Games (2019 at 2022).

Kaya naman marami sa MPL ID orgs ang sinusubukang pataasin ang kalidad ng kanilang koponan sa pamamagitan ng pag-recruit ng Pinoy pros. Sa mga nakalipas na linggo, bali-balita ang paglipat ng ilang Filipino players sa Indonesia at may mga nag-leak pa nga na scrims kung saan nasipat ang ilang Pinoy sa roster ng Indonesian squads.

Credit: Kairi.

Sa kasalukuyan, ang opisyal pa lang na manlalarong tumalon mula sa MPL Philippines patungong MPL Indonesia ay si dating ONIC PH jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol, na kasama si Paul Denver ” Coach Yeb” Miranda. Si Kairi ang kauna-unahang Pinoy MLBB pro na lumipat sa ibang bansa.


3 Pinoy MLBB stars na maaaring sumunod kay Kairi

Nakikita ng ONE Esports na may tatlo pang Pinoy MLBB stars na susunod sa yapak ni Kairi na maglaro sa MPL ID Season 10. Maaari higit pa nga, pero narito ang tatlong manlalaro na sa palagay namin ay sasabak din sa Indonesia:

Dlar

Credit: MPL PH

Isa sa mga beteranong Pinoy MLBB stars na may napakaataas na mechanical abilities bilang EXP laner, nakikinita si Gerald “Dlar” Trinchera na lilipat sa Indonesia. Namaalam na ang ONIC PH kamakailan sa 22-year-old pro at naglabas na rin siya ng ilang pahiwatig na tutungo nga siya sa ibang bansa.

Wala pang opisyal na anunsyo kung may Indonesian squad nga ba na kumuha kay Dlar. Pero ang usap-usapang napipisil na i-recruit siya ay ang EVOS Legends at Bigetron Alpha.


Baloyskie

Credit: Moonton

Si dating ONIC PH captain-roamer/support Allen “Baloyskie” Baloy ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na roamer sa Pilipinas. Swerte ang koponang makakakuha sa 23-year-old player dahil mayroon siyang mataas na macro at micro understanding sa laro.

Ang pinakahuling bali-balita ay nasa trial ngayon si Baloyskie sa Geek Fam ID, bagamat wala pang kasiguraduhan kung magiging bahagi nga siya ng nasabing koponan. Saglit din siyang naiugnay sa Bigetron Alpha.


Hatred

Credit: MPL PH

Isa pa sa Pinoy MLBB stars at dati ring miyembro ng ONIC PH, kilala si Jaylord “Hatred” Gonzales bilang isang highly-mechanical at versatile player matapos maglaro ng iba’t-ibang roles sa kanyang karera. Napapabalitang nasa trial din siya sa Geek Fam ID at kung totoo nga ito ay marahil hindi siya mahihirapang makapasok sa koponan.

Gayunpaman, wala pang sigurado at pinakakaunti ang balita patungkol sa kanya kumpara kila Dlar at Baloyskie.

Manatiling nakatutok sa roster changes sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Hango ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.