Patuloy ang pamamaalam ng ONIC PH sa kanilang mga manlalaro at ang mga pinakabagong mieymbro wala na sa koponan ay sina captain-support/roamer Allen “Baloyskie” Baloy at gold laner Mark Christian “Markyyyyy” Capacio.

Inanunsyo ng organisasyon ang pagbitaw kila Baloyskie at Markyyyy sa magkahiwalay na post sa social media nitong Lunes ng gabi, ikaapat ng Hulyo.

“He’s not just our in-game captain, but he also leads the team by example through sharing real life advices drawn from his experience, all in the effort to motivate the team on and off the game. More than a captain, he takes care of all of us like a real older brother,” pahayag ng koponan patungkol kay Baloyskie.

“He always made sure to put a smile on all of your faces with his bright personality. Despite all the changes and struggles we have went through as a team, you can always count on Marky to say “Kaya natin ‘to” and do his best to cheer us up,” saad naman nila para kay Markyyyyy.

Parehong matagal na sa ONIC PH sina Baloyskie at Markyyyyy. Sa katunayan, bahagi sila ng matagumpay na takbo ng koponan sa MPL Philippines Season 8 patungo sa isa pang nakakamanghang kampanya sa M3 World Championship.


Ang karera nila Baloyskie at Markyyyyy sa ONIC PH

Baloyskie
Credit: ONIC PH

Kilala noon bilang “Greed”, isa si Baloyskie sa mga orihinal na miyembro ng Dream High Gaming na nakapag-qualify sa MPL PH Season 4 at kinuha ng ONIC PH.

Matapos ang kanilang runner-up finish sa kanilang rookie season, lumipat siya sa Sunsparks pagsapit ng Season 5 at nagkampeon kasama ang bago niyang koponan. Naging bahagi pa siya nito (na nag-rebrand sa Aura PH) hanggang Season 7 bago magdesisyong bumalik sa ONIC PH.

Sa pangunguna ng beteranong si Baloyskie, nakuha ng ONIC ang runner-up finish sa MPL PH Season 8 at nagsilbing kinatawan ng Pilipinas sa M3 kasama ang Blacklist International. Sa M3, isa-isa nilang winalis ang mga kalaban sa upper bracket tungo sa pagkuha ng unang grand finals slot.

Credit: Moonton

Sa kasamaang palad, winalis sila ng Blacklist International sa best-of-seven world championship series at lumapag ulit sa second place. Gayunpaman, isa pa rin itong napakalaking tagumpay para sa organisasyon na maagang natanggal sa unang pagsabak nila sa M Series noong M1.

Pagpasok ng Season 9, inasahang magdodomina ulit sila Baloyskie at kanyang mga kakampi subalit hindi ito ang nangyari. Matapos kuhain ang No. 4 seed sa group stage, tinalo nila ang Nexplay EVOS sa play-ins ngunit nawalis naman sila RSG PH sa upper bracket semis at Smart Omega sa lower bracket semis kaya nagtapos sila sa 4th place at kinapos na makapasok sa MSC 2022.

Credit: ONIC PH

Si Markyyyy naman ay isang amateur star player mula sa Team WoRK na kinuha ng ONIC PH noong Season 7. Mula sa pagiging substitute ay trinabaho niya ang starting spot sa lineup at nagsilbing solidong gold laner ng koponan sa sumunod na season.

Malaki ang ginampanan ng 23-year-old pro sa runner-up finishes ng PH Yellow Hedgehogs sa parehong MPL PH S8 at M3. Ngunit pagsapit ng Season 9 ay hindi naging sapat ang kanilang performance para makabalik sa international stage.

Sa ngayon, wala pang balita patungkol sa susunod na hakbang nila Baloyskie at Markyyyyy sa kani-kanilang karera bilang Mobile Legends: Bang Bang professional players.

Samantala, ilang manlalaro na lang ang natitira sa koponan matapos ang paglisan din nila Ian “Beemo” Sergio, Mico “Micophobia” Quitlong, Kairi “Kairi” Rayosdelsol at Paul Denver “Coach Yeb” Miranda. Sila Kairi at Coach Yeb ay ibabandera na ang ONIC Esports ng Indonesia sa parating na MPL season.

Para sa MPL PH Season 10 roster updates, maaari niyong tutukan ang mga ito sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.