Maghihiwalay na ng landas ang ONIC Philippines at ang tank/roamer na si Mico “Micophobia” Quitlong, anunsyo ng koponan. Sa isang post sa social media, nagpasalamat ang team sa mga kontribusyon ng pro sa loob at labas ng laro, lalo pa’t siya daw ay “everyone’s happy pill”.


ONIC PH nagpasalamat kay Micophobia

Credit: ONIC Philippines

Pinuno ng pasasalamat ng ONIC PH ang anunsyo tungkol sa roster change. Anila, “We would like to thank Mico “Micophobia” Quitlong for his time spent in ONIC Philippines. Your iconic tank plays will always be remembered by many!”

“We’ll surely miss your jokes, funny TikToks, and memes! Thank you for putting in extra effort just to keep everyone happy and in good vibes, Mico! Best of luck on your journey, keep that ONIC heart of yours burning,” dagdag pa nila.

Simula ng sumanib sa ONIC PH noong MPL Philippines Season 8, susi ang roamer sa matalinong rotation ni Coach Yeb na na bumulabog sa mga teams patungo sa rurok ng regular season standings. Dahil dito, nagtapos ang koponan na first runner ups ng nasabing season sa likod lamang ng Blacklist International.

Sa labas naman ng laro, pinasigla ni Micophobia hundi lamang ang ONIC fans kundi ang kabuuan ng MPL PH dala ng kaniyang mga nakaka-aliw na antics, pati na rin ang kaniyang mga videos sa Tiktok na tampok ang kaniyang halimaw na dance moves katuwang ang kaniyang mga kakampi.

Credit: MPL Philippines

Sa pag-alis ni Micophobia, siya na ang ikatlong miyembro na kakalas mula sa roster ng yellow hedgehogs. Nauna ng umalis si Ian “Beemo” Sergio, at kamakailan lamang, nilisan na din ni Denver “Coach Yeb” Miranda ang kaniyang poste bilang head coach ng koponan.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL PH sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 10