Tila hindi ata trip ni Gustian “REKT” ang posibilidad na magkaroon ng mga kakamping Filipino sa EVOS Legends para sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).

Isa ang EVOS Legends sa mga koponang inaasahan na magtampok ng mga professional MLBB players mula sa Pilipinas. Nagsimula ang usapang ito nang isapubliko ng coach nilang si Bjorn “Zeys” Ong na naghahanap ang organisasyon ng EXP laner at roamer na Pinoy.

Naging tiyak ang pagkakaron ng Pinoy import sa MPL ID Season 10 nang opisyal na ipakilala ng ONIC Esports sina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at coach Denver “Yeb” Miranda bilang mga bagong miyembro ng kanilang koponan.

Di na raw lalaro si REKT sa EVOS Legends kung may Filipino players
Credit: Kairi.

Bukod sa ONIC Esports at EVOS Legends, inaasahan din na magtatampok ang ibang pang koponan sa MPL ID Season 10 ng mga Filipino players.

Ang pahayag ni REKT sa pag-recruit ng mga Pinoy players sa EVOS Legends

Sa isang live stream, kinuha ang palagay ng EVOS Legends roamer patungkol sa pag-import ng Filipino players sa kanilang liga.

Bagamat inamin ni REKT na may pagbabago sa kanilang EXP laner at roamer, hindi naman itinago ni REKT ang pakiwari niya tungkol sa pagkakaron ng mga Filipino players sa EVOS Legends.

Di na raw lalaro si REKT sa EVOS Legends kung may Filipino players
Credit: MPL ID

“Tak mau main saya kalau ada permain PH. Punya pride saya, Indo Pride,” sagot niya nang tanungin kung magkakaroon ba ng Filipino players sa EVOS Legends.

(Ayoko maglaro kung may Filipino players. May pride ako, Indo Pride.)



Samantala, nakatakda pang ianunsyo ng EVOS Legends ang kanilang roster para sa MPL ID Season 10, partikular na kung nag-import din ba sila ng Pinoy gaya ng ONIC Esports.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Paglipat ng Pinoy players sa MPL Indonesia, ‘welcome’ sa Moonton