Si EVOS REKT na ang pinaka-senior na manlalaro sa MPL Indonesia at bukod-tanging pro na nakapaglaro sa siyam na seasons na mayroon ang liga. Walang duda na isa si EVOS REKT sa mga pinakamahuhusay na players sa laro kaya naman maraming mas batang pros ang tumitingala sa beterano.

Credit: EVOS REKT

Sa unang pitong seasons niya sa liga, malaki ang inambag ni REKT sa White Tigers na inuwi ng dalawang beses ang tropeyo. Hindi man kasing-gilas ng player na bumalagbag sa kalaban noong MPL ID Season 7 (ang pinakahuling beses na nanalo ang EVOS ng MPL korona), wala pa ring kupas ang dating gold laner-turned- roamer.

Isang dahilan kung bakit mataas pa rin ang tingin ng mga tao sa kaniya ay ang kaniyang abilidad na humawak ng iba’t-ibang roles sa laro.


Skylar inihayag ang husay ni EVOS REKT

Para sa mga sumusunod kay EVOS REKT, hindi na rin sorpresa ang dahilan kung bakit lumipat sa roam position ang beterano. Inamin naman niyang hindi na siya kasing-bilis sa larangan ng mechanical skills. 

Ngunit hindi nagkukulang ang pro sa macro plays at karanasan kaya naman madalas pa ring nasa rurok ang EVOS Legends sa rankings. Ito ay ayon mismo sa RRQ Hoshi gold laner na si Skylar.

Credit: Donkey Yurino

Malapit ang batang gold laner sa EVOS veteran dahil magkasama sila sa national team selection ng Indonesia. Pamilyar na pamilyar si Skylar sa galawan ni EVOS REKT dahil bukod sa pagiging katambal sa team ay kinaharap na din niya ang White Tiger legend sa playoffs kamakailan kung saan nalusutan nila ito, 3-2.

Ani ni Skylar sa palatuntunang Empetalk, “REKT is the type of player who is smart. REKT knows power heroes and is good at choosing who needs priority in GB (team up).”

Sa parehong panayam, pinangalanan din niya sina Vynnn at Kiboy bilang top two roamers sa liga.

Pagsasalin ito sa sulat ni OLEH REDZI ARYA PRATAMA ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Ito ang payo ni Skylar ng RRQ Hoshi sa mga gustong gumamit ng MLBB marksman heroes sa gold lane