Kung may pro player  ngayon na maaring pamarisan sa paggamit ng MLBB marksman heroes, isa si Skylar ng RRQ Hoshi sa mga nangunguna sa listahan. Totoo namang kakaiba ang gilas ng RRQ goldlaner kapag nahawakan niya ang kaniyang signature picks. 

Kung titignang maigi ang skill level ng batang pro ay maililinya siya sa mga kilalang gold laners sa mundo tulad nina Kiel Calvin “OHEB” Soriano ng M3 World Champions Blacklist International, at ng MSC 2021 Champion gold laner na si Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega.

Hindi biro ang role na ginagampanan ng gold laners tulad ni Skylar dahil sila ang inaasahan na magbuhat sa late game. Kaya naman malaki ang pressure na natatanggap nila sa simula ng laro para mapiglan ang kanilang snowball potential.

Credit: Moonton

Lalong mas mahirap ito kapag MLBB marksman heroes ang gamit dahil malakas ang damage na karga ng mga ito ay napaka-squishy nila lalo na sa unang bahagi ng laro.

Ano ba ng diskarte ni Skylar ng RRQ Hoshi sa mga heroes na ito? Heto ang kaniyang mga tips: 


Tip ni Skylar ng RRQ Hoshi sa marksman hero users

Credit: MPL ID

Paano ba ma-master ang gold laner role gamit ang marksman? Sinagot nito ni Skylar ng RRQ Hoshi sa isang panayam sa Empetalk.

Sa naturang palatuntunan, tinanong ng netizens kung paano maging magaling na marksman user ngayon, lalo pa’t malaki ang pressure na ibinibigay sa heroes na ito.

Aniya, dapat daw laging naka-antabay ang mga goldlaners sa posisyon ng enemy tanks. “Marksman must see enemy tanks. If you haven’t seen an enemy tank, don’t go out yet,” ani ni Skylar. 

Payo pa niya, huwag daw pumuwesto sa mga lugar na madaling ma-ambush dahil “tanks now are scary.” Matatandaang ang malaki ang kaibahan ng kapabilidad ng tank heroes sa meta ngayon kumpara sa mga dating patches pagkatapos gumulong ng MLBB Patch 1.6.66.

Base sa mga sagot ni Skylar, mababatid na malaki ang importansiya ng survivability ng hero sa lane kung kaya’t konserbatibo ang kaniyang approach dito. 

Mapapansin din sa kaniyang laro na prayoridad niyang manatili sa pagkuha ng gold para makabuo ng importanteng items at mapaganda ang damage output ng marksman heroes na ginagamit niya tulad ng Beatrix, Clint at Brody.

Sundan ang pinakahuli sa mundo ng MLBB sa pamamagitan ng pag-follow at pag-like ng Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Alamin ang Gold lane Chou build ni Aura Kabuki