Sentro ng atensyon ngayon si Aura Kabuki na kumamada kontra Rebellion Zion sa Week 3 Day 1 ng MPL ID Season 9. Halimaw ang isinalang na Beatrix ng gold laner para buhatin ang kaniyang Aura Fire sa unang laro ng serye, at ng pakawalan niya ang kaniyang Chou sa Game 2 ay umulan ng pagkasabik mula sa mga fans.

At may punto kung bakit Chou ang ipinahawak sa tinaguriang best gold laner sa Indonesia. Bukod sa tipikal nitong EXP lane o tank role, pamatay din kapag hahawakan siya sa safe lane dahil sa angking mobility ng hero gayundin ang damage na kaya nitong ilabas lalo na kung may mga angkop na items. 

Kahit pa madulas na Ling o Lancelot ay mangangaray sa magaling na Chou kaya naman hindi masama kung sisilipin natin kung paano dumiskarte ang tinauriang “Best gold laner in Indonesia” gamit ang hero. Heto ang Gold lane Chou build ni Aura Kabuki.


Gold lane Chou build ni Aura Kabuki

Credit: Moonton

Bagamat kaya ng Chou sumali sa mga team fights at makakuha ng kills sa early game ay prayoridad pa rin ng hero sa gold lane na mag-farm. Kaya naman, defensive ang unang items sa gold lane Chou build ni Aura Kabuki ng sa gayon ay tumagal siya sa lane at makakuha ng importanteng minions. Para sa kaniyang first item, Tough Boots ang pinli niya para maka-sustain ng magic damage.

Pagkaraan nito, Dreadnaught Armor naman ang choice ni Kabuki. May punto ang second item sa kaniyang Gold lane Chou build dahil agresibong physical damage dealer ang Beatrix na katapat niya. Pagkatapos niyang buuin ang dalawang defensive items ay doon lamang nagpasok ng attack items ang bantog na pro.

Sa laro kontra Rebellion, pinili ni Kabuki ang Blade of Heptaseas. Bukod sa adisyunal na 250 HP at 70 Physical Damage, swabe din ang Ambush damage na kaya nitong ibigay lalo na kung ipaparis sa mobility at kill potential na mayroon ang hero.

Credit: KINCIR

Ngunit hindi pa rin dapat agad-agad na sumali ang Gold lane Chou sa team fights. Economy game ang laro ng gold laners at isinapuso ito ni Kabuki sa laban kontra Rebellion.

Dahil sa disiplina niya sa pagfafarm, naisunod niya agad sa Gold lane Chou build ang Blade of Despair. Bagamat mahal ang item, sulit naman ang karagdagang physical damage na maibibigay nito sa hero kaya mas malaki ang threat niya sa 1v1 situations, gayundin sa pag-pupush ng kaniyang lane. Sakto pa na kilala ang Chou na isa sa mga heroes na magilas pumugak ng lanes, kaya naman mabibigyan niya ang kaniyang koponan ng kontrol sa mapa.

Credit: Dunia Games

Kasunod na item sa Gold lane Chou build ni Kabuki ang Endless Battle, isa sa mga pinaka-flexible na items sa Mobile Legends. Halos lahat ng stats ay mabu-buff kapag binuo ito dahil kumpletos rekados ang 250 HP, 65 Physical Attack, 10% Physical Lifesteal, 5 mana regen, 10% CD reduction at 5% Movement Speed karagdagan kapag nabuo ang flex item.

Bukod dito, masakit din ang damage at matino ang adisyunal na movement speed na mabibigay nito sa user dahil sa passive effect ng Divine Justice at Chase Fate.

Para naman makontra ang defensive items ng kalaban, pinili ni Kabuki na isama ang Malefic roar sa kaniyang gold lane Chou build dahil sa bigay nitong Physical Penetration.

Credit: Rakyat Merdeka

Sa huling bahagi ng Chou gold lane build ng Aura palayer, mapapansin na pinalitan niya ang Dreadnaught Armor ng Immortality. Maaari ding buuan ng Winter Truncheon ang hero sa mga pagkakataong CD ang effect ng nasabing item.

Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Role-switch nina Aura Kabuki at High sa MPL ID S9 hindi lamang nakasentro sa Fanny pick