Mukhang seryoso ang Geek Fam ID na ibaling ang kanilang tadhana pagdako ng MPL Indonesia Season 10. Matapos ang muli’t-muling pagkadismaya sa regular season simula noong Season 4 at pagkabigong makaselyo ng spot sa playoffs ng liga, sa wakas ay may bakas na ng malaking galaw mula sa organisasyon ngayong offseason.

Kung panay batang players ang isinasabak ng koponan sa kanilang MPL ID kampanya sa mga nakaraang seasons ay siguradong magiging mas kapanapanabik ang paggulong ng kanilang Season 10 kung totoo nga ang bulung-bulungan.

Credit: Geek Fam ID

Karugtong ito ng umuugong na balita tungkol sa posibleng pagsanib ng ex-ONIC PH star na si Allen “Baloyskie” Baloy at ng mechanically-gifted jungler na si Jaymark Aaron “Hadess” Lazaro mula ECHO.

Baloyskie at Hades, pasok na sa Geek Fam ID squad

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Isa sa mga nagpapaingay ng bulungan ang nakitang screenshots ng in-game squad ng Geek Fam ID. Nauna itong nasilip sa account ng Emak Moba kung saan makikitang tampok sina Baloyskie at Hades sa nasabing squad. 

Mababalikan na huling bumida si Hades para sa ECHO sa MPL Philippines. Bagamat nakakita ng aksyon sa inaugural season ng ECHO noong S8 ay malimit na naisalang ang pro matapos sumanib ng M2 World Championship MVP na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno sa roster noong S9.

Ayon din sa mga reports mula Indonesia, sumubok mag-tryout ang jungler sa Bigetron Alpha bukod sa Geek Fam ID.

Samantala, nailahad din sa isang leak mula sa Scrim Info na sumubok mag-tryout ang ex-ONIC PH captain na si Baloyskie sa team.

Maalalang si Baloyskie ang sentro ng arangkada ng ONIC PH na nagtapos bilang runner ups sa magkasunod na MPL Philippines Season 8 at M3 World Championship.

Credit: ONE Esports

At matapos ang overhaul ng ONIC PH roster, partikular na ang pagdako ng mga kapwa ONIC PH members na sina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at coach na si Denver “Coach Yeb” Miranda papunta sa ONIC ID, dinaragdagan lamang nito ang posibilidad na matuloy ang pagtungtong ni Baloyskie sa MPL ID.

Kung tuloy na nga ang pagsanib ng dalawang Pinoy players sa Geek Fam ID, siguradong malaki ang maiaambag nila sa turnaround ng kanilang regular season, at kung papalarin ay makakadagit sila ng playoff spot sa pagpasok ng playoffs.

Credit: MPL ID

Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa team o sa players, ngunit inaasahan na ilalahad na ng Geek Fam ID ang anunsyo sa madaling panahon.

Ito ay pagsasalin sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Team CEO Pak AP nagsalita tungkol sa MPL ID S10 roster ng RRQ Hoshi