Isinapinal na ng RRQ Hoshi ang lineup na babandera para sa kanila sa paparating na MPL Indonesia Season 10. Sa nasabing anunsyo, walang pagbabago ang rotation na sasalang upang depensahan ang kanilang korona.
Ngunit bago pa man gawing opisyal ito, kalmado na talaga ang off-season ng RRQ taliwas sa ingay na ginawa ng teams katulad ng ONIC Esports. Liban sa balitang nag-try out si Psychooo para sa Bigetron Alpha, wala ng ingay ang pumalibot sa team sa kanilang break.
Ngayong wala ng duda na sina Alberttt, Vynnn, Clay, Skylar, R7, Lemon, Psychoo, at Violence ang magwawagayway sa watawat ng King of Kings sa S10, binigyang-linaw ng RRQ Hoshi CEO na si Adriane Pauline ang kaniyang pasya na gawin ito.
AP ipinaliwanag kung bakit walang pagbabago sa RRQ Hoshi roster para sa S10

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makapanayam si AP matapos ang meet and greet event ng team sa Kuningan noong July 9. Aniya, “The movement of other teams in this transfer market is quite aggressive. However, RRQ Hoshi himself chose season 10 to be a season with no new players at all. Because in the past few seasons there have always been new players, whether in the end they didn’t play or something,”
Dagdag pa niya, hindi raw sa hindi sila kumpiyansa makakuha ng players sa merkado kundi dahil kukulangin sila ng oras at preparasyon kung babaguhin nila ang kanilang lineup.
“From MPL ID S9, SEA Games, then MSC all connected. While other teams can try, they can see the team’s shortcomings, while RRQ Hoshi can’t because of the busy schedule they follow and they don’t have much time to fiddle with the formation.”
Paliwanag pa ni AP, “After all, this is a season that can’t be played around because the stakes are M4 or the world championship. Management decided this.”
Bukas pa rin naman daw ang RRQ Hoshi na magdagdag ng players sa kanilagn roster sa gitna ng season.
Mababalikan na bukas ang roster changes sa MPL ID hanggang ika-anim na linggo ng season. Maaaring iangat ng franchise ang players mula sa teams na nasa Mobile Legends: Bang Bang Developmental League (MDL). Walang kaso kung kaanib na ang player sa MDL roster sa simula o kung bagito pa ito.

Ayon kay AP, posible daw ito dahil layunin pa rin naman daw ng koponan na mas palakasin ang current lineup sa season.
“As said, the team needs development and what we don’t know is whether in the current season the PR improvement will be carried out, there will be upgrades or additions,” ani ng CEO.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.