Inanunsyo na ng RRQ Hoshi ang kanilang roster para sa MPL Indonesia Season 10. ‘Di gaya ng ibang koponan na abala sa transfer market, napagdesisyunan ng defending champion na panatilihin ang kanilang lineup mula sa nakaraang season.

Hindi naman maikakaila na napakalakas pa rin ng lineup ng “King of kings” gayong pinagharian nila ang MPL ID Season 9 at nagtapos bilang runner-up sa likod ng RSG PH sa MSC 2022.

Credit: ONE Esports

Sa kabila ng ugong-ugong ng pag-recruit ng MPL ID teams sa ilang Pinoy pro players, na nauna nang ginawa ng ONIC Esports sa pamamagitan ng pagkuha kay Kairi “Kairi” Rayosdelsol, hindi sumunod dito ang RRQ Hoshi. Napapabalita rin na gusto ng Geek Fam ID, EVOS Legends at Bigetron Alpha na mag-sign ng mga Pinoy.

Pero hindi naman dahil sa ayaw ng RRQ ng mga Pinoy na manlalaro. Isang interesanteng rebelasyon ang inilahad ng kanilang CEO na si Andrian “Pak AP” Pauline.


In-approach ng RRQ Hoshi si Kelra noon, ayon mismo kay Pak AP

Team RRQ Pak AP
Credit: Instagram/RRQ_AP

Isa sa mga usap-usapan noong nakaraang season ang interes ng RRQ Hoshi sa isa sa mga pinakamahusay na gold laner sa Pilipinas, si Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega. Nakakalito kung totoo ba talaga ito o hindi lalo pa’t hindi naman naglabas ng pahayag ang organisasyon ukol dito.

Kamakailan lang ay nagawa ng ONE Esports na mabigyang-linaw ang diskusyong ito. Pagkatapos ng Meet and Greet event ng RRQ, nakipag-usap ang ONE Esports kay Pak AP patungkol sa pagpunta ng Filipino players sa Indonesia at maging sa usap-usapan noon kay Kelra.

“Saya tak menutup kemungkinan RRQ punya pemain Filipina. Saya hanya ingin pemain terbaik di tim ini. Kalau memang ada pemain Filipina dan kami berpotensi membentuk tim terbaik, kenapa tidak?” saad ni Pak AP.

(‘Di ko inaalis ang posibilidad ng pagkakaroon ng Filipino players sa RRQ. Gusto ko na best players ang nasa koponan. At kung sila ay Filipino at may potensyal na buuin ang team kasama sila, bakit hindi?)

“Kalau ditanya pernah tidak terbersit untuk mendatangkan pemain Filipina, pernah. Itu terjadi pada season 8 ke 9, yang mana saat itu ada wacana soal Kelra dan saya konfirmasi itu benar (RRQ Hoshi sempat membuat penawaran).”

(Kung tatanungin, hindi madaling magdala ng Filipino players. Sinubukan namin noong Season 8 at 9, kung saan nagkaroon kami ng diskurso patungkol kay Kelra at kinukumpirma ko na tama na nagbigay ng offer ang RRQ Hoshi.)

Credit: ONE Esports

“Kami sempat ngobrol sama mereka tapi dia masih ada kontrak dan karena satu lain hal, kami mengurungkan niat tersebut. Balik lagi di tim kami masih ada Skylar, Bangsin, dan Lemon, kalau ada satu lagi menumpuk banget di posisi gold laner,” ani pa ni Pak AP.

(Nagkaroon kami ng tsansa na makausap sila pero may kontrata pa siya noon at inalis na namin ang intensyon na kunin siya. At nasa amin pa naman sina Skylar, Bangsin at Lemon kaya kung may isa pa ay masyado nang marami sa gold laner position.)

“Tetapi di antara pemain Filipina, yang kami sempat ingin kejar adalah Kelra. Tapi sekarang sudah tidak.”

(Sa mga Filipino players, si Kelra talaga ang gusto naming makuha. Pero ngayon, hindi na.)

Para sa mga istorya patungkol sa MPL ID at MPL PH, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.