Buo ang loob ng dating EVOS Legends star na si Antimage na mas magaling pa rin siya kay Gerald “Dlar” Trinchera na pinapalagay na papalit sa kaniya bilang EXP laner sa pagbubukas ng MPL Indonesia Season 10.

Ibinahagi ito ng betarano sa Empetalk podcast kasama si Jonathan Liandi kung saan nagkomento siya tungkol sa kalagayan ng EVOS Legends at mga prediksyon na sa S10.


Antimage nagsalita sa posibilidad na mapunta si Dlar sa EVOS Legends roster

Dahil kapwa EXP laner si Dlar, mistulang inupo sa hot seat si Antimage ng pag-usapan ang posibilidad ng ex-ONIC Philippines superstar na dumaok sa puder ng White Tigers. Aniya, tantiya niya daw ay malaki ang tiyansa na makuha ng EVOS ang bantog na EXP laner.

“I can’t confirm, but I can say that 90% believe Dlar (will join EVOS Legends). This is not a confirmation, but a prediction or my feeling,” paglilinaw ni Antimage.

Gayunpaman, hindi rin sigurado ng ex-EVOS star na ang pag-recruit kay Dlar ang solusyon sa delubyong pinagdaraanan ng koponan, bukod sa naniniwala siyang mas maabilidad siya sa Filipino pro player.

Credit: EVOS. Antimage

“I don’t know (kung mag-fifit ito sa EVOS Legends), but there are many EXP laners in the Philippines,” dagdag niya.

Pag-aamin naman niya, “Actually, I don’t know about Dlar’s ability. Never fought him and I think I’m still better than him. Seriously. If we are pitted against mechanics and macros, I’m still very confident that I can win (kontra kay Dlar).”

Tinatayang i-aanunsyo ng EVOS Legends ang pagkuha sa Pinoy star sa mga susunod na araw.

I-check out ang Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Donkey sisiguraduhing makukuha ng EVOS Legends si Dlar