Hindi itinago ni EVOS Antimage ang emosyon ng ilabas ang Miya ni RRQ Lemon sa Game 3 ng kanilang Week 3 Day 3 matchup sa MPL Indonesia Season 9.

Naramdaman daw niya ang pagkasindak sa pick na ito lalo pa’t makailang-ulit na rin niya itong nakasagupa. Gayunpaman, hindi nito napigilan ang gilas ng EVOS Legends na kinuha ang panalo kontra RRQ Hoshi, 2-1, para makaangat sa rankings.

Ito rin ang unang beses na pinalaro si RRQ Lemon ngayong season kung kaya’t mas nasabik ang mga miron sa salpukang pinamagatan na “El Clasico”.

Credit: RRQ Lemon

Matapos ang mahusay na maniobra sa Wanwan sa Game 1 ng nasabing matchup, Lylia at Miya ni RRQ Lemon naman ang naisalang sa magkasunod na laro. Kahit pa palaging laman ng kaniyang mga streams ang paggamit niya sa marksman, nasorpresa pa rin ang mga nakasaksi ng pakawalan ito sa actual pro play.

Hindi naman maitatanggi ang husay ng Miya ni RRQ Lemon. Pati si Antimage, inamin na kayang kumamada ng marksman sa kamay ng RRQ legend. “Actually, Lemon playing Miya is really scary. I also often play with him and he already knows (how to play), ” sabi ng EVOS pro.


EVOS Antimage itinuro ang komposisyon na dahilan sa pagkatalo ng RRQ

Credit: ONE Esports ID

Sa nasabing Game 3, nakakadismayang 1/5/4 KDA ang inilista ng Miya ni RRQ Lemon. Sa madaling salita, hindi nabigyang hustisya ng pro ang kaniyang paghawak sa isa sa mga paborito niyang hero para sa RRQ Hoshi.

Gayunpaman, hindi maaaring ibaling lahat ng sisi sa kaniyang pick o sa galaw na ipinakita niya gamit ito. Sinegundahan naman ni Antimage ang ideyang ito ng sinabi niya na malaki ang epekto ng komposisyong pumalibot sa Miya ni RRQ Lemon.

“Maybe it’s just the composition surrounding the hero (RRQ Hoshi) that made (the game) less effective with Miya,” aniya.

Hindi man nakuha ang inaasam na panalo sa comeback, magandang sinyales ang pagbabalik ni Lemon sa competitive play para sa RRQ at sa mga fans nito lalo pa’t isa siya sa mga tinitingalang players sa buong bansa.

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Si Nino daw ng Alter Ego ang best goldlaner sa MPL ID sabi ni Aura Kabuki