Magsisimula na ang kauna-unahang Mobile Legends: Bang Bang Women’s Invitational (MWI 2022) ng ONE Esports. Ang turneo kung saan tampok ang pinakamahuhusay na female MLBB teams sa Southeast Asia.
Isa sa mga koponang babandera sa paligsahan ang BREN Victress. Kahit pa halos isang buwan pa lang simula noong sila’y mabuo, buo ang loob ng team captain na si Ashlie Grace “Ashqt” Arevalo dahil ang pagsabak nila ay importante hindi lang para sa organisasyon, kung hindi pati na rin sa kabuuan ng female MLBB professional scene.
Ashqt ng BREN Victress tungkol sa MWI 2022 ng ONE Esports

Sa isang pre-tournament interview, nahayag ni Ashqt ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging kinatawan ng bansa sa opisyal na women-only MLBB tournament.
“How does it feel to represent the Philippines? Of course, we are excited. The opportunity to represent our country in a tournament doesn’t come every day, especially for women,” ika ni Ashqt ng BREN Victress.
(Anong pakiramdam na irepresenta ang Pilipinas? Syempre, excited kami. Hindi araw-araw nagpe-presenta ang pagkakataong maging kinatawan ng bansa, lalo na para sa mga kababaihan.)

Naibahagi niya rin ang mga bagay na nagpapa-motivate sa kanilang koponan tuwing nage-ensayo.
“We want to prove that esports is not only for men, but for all genders,” aniya. “For us, appearing at MWI 2022 is an opportunity to show how Filipino female MLBB pro players play, and also show that women can also compete in the competitive scene.”
(Gusto namin patunayan na ang esports ay hindi lang para sa lalaki, kung hindi para sa lahat ng kasarian. Para sa amin, ang pagsabak sa MWI 2022 ay pagkakataon para ipakita kung paano maglaro ang mga Pinay na MLBB pro players, at patunayan na kaya rin namin mamayagpag sa competitive scene.)
Ashqt ng BREN Victress tungkol sa tsansa nilang manalo sa MWI 2022 ng ONE Esports

Nang tanungin tungkol sa paparating na turneo, inamin ni Ashqt na sila ay “confident,” at excited sa posibilidad na makaharap ang mga kalahok.
“We are confident, but not 100 percent because we know that there are still a lot of good players that we haven’t met, and now we weill have a chance to meet them,” sabi ni Ashqt.
(Kumpiyansa kami, pero hindi 100 porsyento dahil alam naming marami pang magagaling na manlalaro ang hindi pa namin nakakaharap, at ngayon ang tsansa namin para makilala sila.)
Babandera sina Ashqt at ang buong BREN Victress simula sa ika-27 ng Enero sa MWI 2022.
Masusubaybayan ang opisyal na Filipino broadcast ng turneo sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: MPL PH S9 Playoff Format: Ano ba ang kaibahan nito at gaano ba kalaki ang epekto ng pagbabago?